^

Pang Movies

‘Dasal ang panlaban’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
�Dasal ang panlaban�
Mario

Late nag-sink in sa akin ang kalungkutan sa pagkamatay ni Mario Dumaual.

Bigla lang nang makita ko ang landline phone namin.

Pumasok sa isip ko si Mario. Kasi nga, never akong tinawagan ni Mario sa cellphone, lagi sa landline. At laging opening niya ‘ano balita’ at hihingin niya opinyon ko.

Dahil yata kay Mario kaya naging sawsawan ako ng mga balita.

Kasi nga biruan namin, kailangan meron akong opinion kahit hindi ko kilala, hah hah.

Nagtatawanan kami pag tumatanggi ako dahil nga hindi ko kilala pero later on meron na akong sinasabi.

Magaan kaibigan si Mario dahil wala siyang demands. Hindi rin siya iyon tipo na maiinis ka dahil makulit, meron siyang way para sagutin mo ang tanong niya.

Ramdam ko ang concern nang malaman niyang nagkasakit ako, at alam ko rin kung binibigyan proteksiyon niya ako sa maseselan na issues.

Nakakalungkot dahil parang paliit ng paliit ang mundo na iniikutan natin.

Nawala na si Nap Gutierrez, ngayon naman si Mario.

Sabi nga ni Dondon Sermino, parang feel niya na hindi na nadagdagan ang number ng mga showbiz writer, parang huminto na sa grupo nila.

Siguro nga talagang umiiba na ang ikot ng mundo.

Siguro nga kailangan nang tanggapin na may mga bagay na nangyayari na wala na tayong magagawa pa.

So sad na tanggapin pero iyon talaga ang batas ng buhay.

Prayers na lang ang magiging panlaban natin.

vuukle comment

MARIO DUMAUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with