_pang-masa
^

Pang Movies

Coco, sinampal ni Jane

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Coco, sinampal ni Jane
Jane

Maraming followers ng  FPJ’s Ang Probinsyano ang nagulat nang biglang makatikim ng malakas sampal ang idolo nilang si Coco Martin mula kay Jane de Leon na sa sama ng loob ni Jane dahil nasaksihang isa-isang pinatay ni Coco ang mga kasamahang pulis noong lusubin nito sa kuta ng mga katrabaho ng gaganap sa­nang Darna.

Natameme si Coco sa rami ng mga kasamahang nagalit sa kanyang mga kagrupong Task Force Lawin, pinanggigilan siya nina Angel Aquino at Jaime Fabregas sa palihim na pagsalakay sa kapulisan kasama ni Michael de Mesa.

Hindi nila akalaing ilalagay ni Coco ang buhay nila sa panganib. Sa galit ni Jane de Leon, may-ari ng bahay na pinagtataguan ng grupo pinalalayas silang lahat.

May komentong sa sobrang tapang daw kasi ni Coco, nawawala na sa katinuan ang mga ginagawa nito.

Well, papaano tatapusin ang Ang Probinsyano ngayong sala-salabat na ang mga problema nito, tanong ng netizens.

Batikusan sa showbiz, walang puwang sa pandemya

May komentong huwag na raw sanang akusahan pa, lalo sa panahong ito ng kahirapan, na mga basura ang tawag sa ilang mga istoryang napapanood sa GMA. Dapat na malaman na may pera sa basura. Mabuti pa nga naging matatag ang GMA sa pagbibigay ng trabaho sa mga showbiz people kung hindi baka dumami ang gumagapang sa kahirapang dulot ng pagbabagong anyo ng kapalarang dulot ng virus na COVID.

Higit na dapat na magpasalamat at huwag nang batikusin pa ang biyayang dulot ng tinatawag niyang basura.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings sa July-born celebrants. Sa July  28, birthday ng ex-movie queen Susan Roces unlike before may bonggang celebration, ngayon wala na dahil bawal pang magtipun-tipon sabi ng protocol experts. Birthday rin nina Manay Cristy Fermin, Beth Oropeza, Sunshine  Cruz, Agot  Isidro, Paco Arespacochaga, Mrs. Amy Rodriguez-Tengco, at Manny Villangca ng Baliuag, Bulacan, Fellie  Garcia at Daisy Betita.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with