_pang-masa
^
Luis at Jessy, kasal na?!
Jessy at Luis

Luis at Jessy, kasal na?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - March 9, 2021 - 12:00am

Parang wala pang nilalabas na disclaimer sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa lumabas na balitang ikinasal na sila noong February 21 raw sa The Farm sa San Benito.

May kasamang larawan nina Jessy at Luis ang lumabas na balitang kanilang pagpapakasal, pero blurred at mukha lang ni Luis ang medyo aninag. Si Jessy, nakayuko sa nakita naming litrato at left side lang ng face ang nakita.

Ikinatuwa ng netizens na ikinasal na ang dalawa lalo’t pinaghandaan daw nila, lalo na si Luis na maging financially able siya to raise a family bago nagpakasal. Saka, worth the wait daw si Jessy.

May mga nagbiro lang na kaya hindi muna nag-post ng wedding photos o videos sina Luis at Jessy, kung tooong ikinasal sila dahil una muna nilang ilalabas sa kanilang vlog. Depensa ng supporters ng dalawa, walang masama kung sa vlog mauunang ipalabas ang wedding cove­rage nila.

Gabby, walang peg na presidente

Sabi ni Gabby Concepcion sa mediacon ng First Yaya, wala siyang peg na sinumang president sa role niyang si President Glenn Acosta. Sarili niyang atake ang ginawa niya at laging iniisip ang paalala ni direk LA Madridejos na ‘wag magpa-pressure at mag-enjoy lang para natural lalabas ang acting.

Napangiti si Gabby sa inamin ni Sanya Lopez na sa first few days ng taping, na-intimidate siya sa aktor at kapag kaharap niya ito, kinikilig siya. On his part, sabi ni Gabby, noon pa niya gustong makatrabaho si Sanya. Ginusto nga niyang makasama sa Encantadia para makatrabaho ito pero hindi raw siya kinuha ng GMA 7.

Kilala si Gabby na nagiging close sa mga nakakasama niya sa trabaho at ganu’n ang nangyari sa First Yaya. Nakatulong na lock-in taping sila, tuluy-tuloy ang kanilang bonding at big deal either maging close sila o magkakainisan.

Pero, naging close si Gabby sa co-stars niya at napapayag ngang magsayaw sa TikTok kasama sina Sanya at Pancho Magno. Nasa Instagram ni Gabby ang ilang TikTok na kanilang ginawa, kaya may ebidensya kung paano siya sumayaw.

Anyway, bukod sa maraming cast, marami rin pala ang guests sa First Yaya, kabilang sina Jean Garcia, Tommy Abuel, Lovely Rivero, Allen Dizon,  Mikoy Morales, Andre Paras, Atak, Dennis Marasigan, Michael Roy, at Ms. Boots Anson-Roa.

Sa March 15, after 24 Oras na ang world premiere ng primetime series sa direction nina direk LA at Rechie del Carmen.

Marco, ‘di makapaniwalang nakatambal si Sharon

Nag-post si Marco Gumabao ng photo nila ni Sharon Cuneta sa shooting ng Viva Films movie na Revirginized at kahit tapos na ang shooting, hindi pa rin makapaniwala si Marco na makakatambal si Mega. “It’s a wrap!! Grabe, ‘di pa rin ako makapaniwala. Thank you so much ms. @reallysharoncuneta for the opportunity to work with you. A dream come true! I will forever cherish this project.

“Of course thank you also to direk Darry Yap! Such a brilliant and cool director can’t wait for the next one!”

Leading man ni Sharon si Marco, minsan lang mangyari na ang mas bata at maituturing pa ring baguhan na si Marco ay makakapareha si Sharon, kaya may rason ang tuwa at kaligayahan ni Marco.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with