Secret... ni Hyun Bin, eere uli
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 2, 2020 - 12:00am

Muling ipalalabas ng GMA-7 ang Tagalized version ng KBS Drama na Secret Garden na unang napanood sa network in 2010. Magkatambal dito sina Hyun Bin at Ha Ji-Won. Pero unang napanood si Hyun Bin KBS romance-comedy series na Ako si Kim Sam-Soon. That time, 27 years old pa lamang si Hyun Bin.

At sa tagumpay ng Crash Landing On You hindi kataka-takang kinuha siya ni Mr. Manny V. Pangilinan bilang endorser ng Smart at napapanood na ang kanyang TVcommercial simula June 1, 2020.  Siya rin ang bagong endorser ng Bench ni Ben Chan. Kaya dasal ng fans ni Hyun Bin, sana after this pandemic, ay dumalaw naman sa Pilipinas ang Korean actor and model.

Sa anong timeslot kaya ipapasok ng GMA-7 ang Secret Garden?

Mel and Mike magkasama na uli

Umani ng maraming likes and views ang Magkaagaw video kung saan ang cast nito na sina Klea Pineda, Jeric Gonzales, Sheryl Cruz at Sunshine Dizon ay ipinahiram ang boses nila to re-enact ang last scenes on TV bago sila nag-break sa airing due to the implementation of the enhanced community quarantine.

Samantala, balik na muli sina Ms. Mel Tiangco at Mike Enriquez bilang mga anchor ng 24 Oras. Matatandaan na nang magsimula ang enhanced community quarantine, sina Jessica Soho at Atom Araullo muna ang pumalit kina Mel at Mike. Balik na rin si Mike as radio anchor sa Radyo Na TV Pa program niya sa GMA News TV.

Kagabi rin ay ibinalik na ang late night news program na Saksi nina Arnold Clavio at Pia Arcangel na pansamantalang nawala pagkatapos ng GMA Telebabad.

SECRET GARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with