^
Bagong movie nina Bela at JC may pa-soundtrack
Bela at JC

Bagong movie nina Bela at JC may pa-soundtrack

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 8, 2020 - 12:00am

Sa loob lamang ng ilang oras ay nasa 100k plus na agad ang views sa teaser ng bagong pelikula ng tambalan nina Bela Padilla at JC Santos na On Vodka, Beers And Regrets na ini-release ng Viva Films sa YouTube.

Nagsimula ang dalawa sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP)2017, na talaga namang tinangkilik ng marami, dahil bukod sa kakaibang kuwento, nakitaan din sila ng chemistry. Nasundan ito ng The Day After Valentines na entry naman sa PPP 2018.

Magkasama uli ang dalawa sa pelikulang Miracle In Cell No. 7 na entry sa Metro Manila Film Festival, pero hindi sila magkatambal doon.

Ngayong 2020, tampok uli sina Bela at JC sa On Vodka, Beers And Regrets na idinirek ni Direk Irene Villamor.

Dahil sa balik-tambalan nilang dalawa, tiyak na aabangan na naman sila ng fans at supporters, lalo pa at sa Buwan ng mga Puso ito ipapalabas.

Samantala, hindi maiwasang tuksuhin si Bela kay JC dahil bagay silang dalawa, pero malabong mangyari na magkatuluyan sila, dahil si JC ay magiging daddy na sa girlfriend nito at babae ang kanilang magiging anak.

Si Bela naman ay single pero masaya at kuntento sa kanyang career.

Bukod sa On Vodka… inabangan din ang official soundtrack nito na Mundo kung saan ang singer sensation na si Raphiel Shannon ang kumanta. 

Ang orihinal na kumanta nito ay ang bandang IV Of Spades.

BELA PADILLA JC SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with