JK at Piolo hindi babae ang dahilan ng pagpapagupit!
JK
JK at Piolo hindi babae ang dahilan ng pagpapagupit!
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - November 8, 2019 - 12:00am

Para sa mga babae, ang ibig sabihin ng pagpapaputol o pagpapagupit ng buhok ay isang senyales na sila ay broken hearted, trying to move on o kaya ay nag­rerebelde. But it seems hindi ito ang dahilan nina JK Labajo at Piolo Pascual sa kanilang biglaang pagpapagupit ng mahaba nilang buhok.

Nagalit pa nga raw ang girlfriend ni JK na si Maureen Wroblewitz sa ginawa nito, buti na lamang at hindi nito sinagad ang gupit. Mahaba pa rin naman ito, pero mas nakikita na ang kanyang mukha at mas naa-appreciate lalo ng fans ang kagwapuhan niya. Nagmukha pa siyang malinis.

Wala rin namang problema sa puso si Piolo, kinailangan lamang niya na paikliin ang kanyang buhok bilang paghahanda sa movie nila ni Claudine Barretto na mabuti naman at hindi naapektuhan sa away ng kanilang pamilya.

Morissette nag-walk out sa concert!

Morissette Amon will never hear the end of her walk out sa Music Museum sa concert ng isang Kiel Alo. Malalaking tao ang naapektuhan sa ginawa niya.

Hindi lamang ang producer ng concert na si Jobert Sucaldito ang abot hanggang langit ang galit sa kanya, kung hindi pati na rin sina Daisy Romualdez at Annabelle Rama.

Disappointed ang mga ito sa nangyari. Sana rin ay marinig din ng lahat ang panig ni Morissette.

Samantala, speaking of walk out, usap-usapan na rin ang ginawang pag-alis ni Bianca Umali sa premiere ng pelikula ng rumored boyfriend niyang si Ruru Madrid katambal si Jasmine Curtis Smith, ang Cara X Jagger.

Dahil daw ito sa selos. Muntik pa nga raw masagasaan ni Bianca ang aktor sa kagustuhan na makaalis agad sa lugar dahil sa galit.

Vice at Anne isinali ang BF at asawa sa MMFF!

May kapareha na sina Vice Ganda at Anne Curtis sa kanilang Metro Manila Film Festival 2019 movie. Ito ay ang mga ka-partners din nila in real life na sina Erwan Heussaff at Ion Perez.

Mas excited ang marami sa asawa ni Anne dahil first time nila na mapapanood ito sa big screen.

Samantala, hindi naman papatalo si Coco Martin sa kanyang entry movie.

Bukod kina AiAi delas Alas at Jennylyn Mercado, napapayag din ng aktor na sumama sa movie niya si Manila Mayor Isko Moreno.

Sa kasikatan ngayon ng alkalde, siguradong dudumugin ang movie niya para lang makita ng tao ang kanilang idolo sa big screen, at kung marunong pa itong umarte.

Serye ng KathNiel sa 2020 sa Mexico magti-taping

Sulit naman pala kahit na maghintay hanggang 2020 ang KathNiel fans sa susunod nilang serye, dahil balitang sa Mexico ito gagawin.

Siguradong mag-iiba ang looks nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

After the success of their tandem, hindi naman pababayaan ng Kapamilya na maging mas maliit itong proyekto kesa sa mga naunang nilang ginawa.

JK LABAJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with