Regine Velasquez
Regine bugbog-sarado tungkol sa Payatas!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 14, 2019 - 12:00am

Akala namin kung ano na ang sinabi ni Regine Velasquez na naging dahilan ng sunud-sunod na bashing sa kanya. Iyon pala ipinakita lang niya sa kanyang vlog ang isang mamahaling bag at sinabing iniingatan niya dahil “baka mag-amoy Payatas”.

Iyang Payatas ay naging dumpsite noong araw, pero isinara na bilang tapunan ng basura simula pa noong 2010. Iyon nga lang sinasabing may nagtatapon pa rin diyan. Iyon ay binubuo ng tatlong barangay at marami na ang nakatira sa lugar na iyon, karamihan ay mga mahihirap. Talagang sasama ang loob nila kung sa kabila ng kanilang kahirapan ay tatawagin mo pa silang mababaho.

Kaya nga sinasabi eh “think before you click” dahil kahit na mag-sorry ka pa, ang nasabi mo ay nasabi mo na. Nakasakit ka na ng damdamin ng iba.

KC hinahandaan ng pamana nina Gabby at Sharon

Pinag-uusapan na naman ang possibility ng isang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion movie, at sinabi mismo ng actor na baka raw matuloy na iyon dahil ang balak, sila na mismo at hindi kung sino mang producer pa ang gagawa ng kanilang pelikula. Hindi naman bago iyan kay Gabby na noong araw ay nakapag-produce na rin ng sarili niyang pelikula. Pero iyon nga lang, iba na ang klase ng marketing ng pelikula ngayon.

Ang una raw problema ay iyong material ng gagawin nilang pelikula. Naghahanap pa raw sila ng tamang material na gagawin. Ewan pero ang sinasabi namang iyan ni Gabby ay hindi kasama sa nabanggit ni Sharon na nakatakda niyang gawin bago ang sinasabi niyang retirement niya mga two years from now.

Inulit din ni Gabby na hindi problema ang talent fee, in fact hindi raw siya hihingi ng talent fee pero kagaya ng nasabi niya noon, ang video at cable rights ng pelikula ay kailangang ibigay sa kanilang anak na si KC Concepcion. Iginigiit ni Gabby na iyon ang magiging legacy nilang dalawa ni Sharon, at kung may makikinabang man doon, dapat ay ang anak nilang si KC.

May isang sundot doon. Ibig sabihin hindi makikinabang sa maaaring kitain ng pelikula sa video at sa cable, na tiyak na mas malaki kaysa sa box-office, kung hindi ang kanilang anak na si KC. Hindi makikinabang doon ang ibang anak ni Sharon. Ganoon din naman, walang pakinabang doon ang kanyang ibang mga anak.

Kung pag-aaralan mo ang mga sinasabing iyan ni Gabby, mukha namang fair sa lahat ang gusto niyang mangyari. Isa pa nga, dahil iyan na siguro ang magiging last nila. Pero mangyayari nga kayang lahat iyon?

Model-actor dinedma ang maperang female star, mas pinili ang bilyonaryang transwoman 

Masasabi nga sigurong nakabingwit ng isang big fish ang isang model-actor. Billionaire ang kanyang nabingwit, ang problema nga lang, iyon ay isang transwoman. Hindi siya tunay na babae kung hindi operada lamang. Pero mukhang inlove sa model-actor ang transwoman, dahil sa isang social media post ng kanilang pictures, sinabi pa noon na wala siyang pakialam kung pera lang niya ang nagustuhan sa kanya ng model-actor, handa siyang ibigay ang lahat dahil “nasisiyahan” naman daw siya kung sila ay magkasama. May hitsura rin naman ang transwoman, hindi nga lang pang Miss Universe.

Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi niya pinansin noon ang isa pang maperang female star.

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with