Sunshine Cruz
Sunshine at Cesar annulled na!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 19, 2018 - 12:00am

Annulled na ang kasal nina Sunshine Cruz at Cesar Montano kaya malaya na sila sa isa’t isa.

Tumagal ng apat na taon ang kaso bago lumabas ang desisyon ng korte.

Mabilis na ang apat na taon kesa sa annulment na isinampa ng isang showbiz personality na hanggang ngayon, hindi pa napagpapasyahan ng korte.

Kung ang boyfriend ng showbiz personality ang tatanungin, gustong-gusto na niya na makasal sila pero malabong mangyari dahil hindi pa annulled ang kasal ng kanyang dyowa sa unang husband nito.

Ang boyfriend ang tiyak na pinakamaligaya sa buong mundo kapag inaprubahan ng korte ang pagpapawalang-bisa sa first marriage ng dyowa niya at kapag nangyari ito, siguradong magkakaroon sila ng reconciliation na posibleng humantong sa kasalan portion.

Markki nalagasan ng ngipin sa sipa ni Luigi

Martial arts expert si Luigi Revilla kaya hindi siya nahirapan sa kanyang mga fight scene sa Amats, ang episode ng Tres na pinagbibidahan niya.

Sa mga anak ni Bong Revilla, Jr., si Luigi ang pinaka-sports minded at lumalaban sa mga competition.

Magaling si Luigi sa Muay Thai at malakas siya na sumipa kaya natanggalan ng ngipin si Markki Stroem sa fight scene nila sa Amats.

Imagine, isang araw lang ang shooting ni Markki pero nadisgrasya pa siya.

Nag-sorry si Luigi kay Markki na parang hindi affected, kahit nawalan ng ngipin.

Hindi naman sinasadya ni Luigi na masipa sa mukha si Markki. Mabuti na lang, hindi ang front teeth ni Markki ang natanggal kaya nagpapasalamat pa rin siya.

Louise halatang in love na naman

Hindi na ako nakapunta kahapon sa grand presscon ng Para sa Broken Hearted kaya hindi ko narinig nang personal ang mga kuwento ni Louise delos Reyes tungkol sa lovelife niya.

Hiwalay na si Louise sa kanyang vocalist boyfriend na si Champ Lui Pio . Apat na taon din ang itinagal ng kanilang love affair na mas matagal pa yata sa relasyon noon ni Louise kay Enzo Pineda.

May bago nang boyfriend si Louise pero hindi mula sa showbiz. Ang pagkakaroon niya ng new dyowa ang ebidensya na naka-move on na si Louise mula sa break up nila ni Champ na dahilan ng pagkakaroon niya ng broken heart.

Noong si Champ pa ang boyfriend ni Louise, very secretive ito as in never niya na binanggit sa mga interview ang name ng dating karelasyon.

Nang makilala ni Louise ang bagong dyowa, siya pa ang nag-post sa Instagram ng picture nila na nangangahulugan lang na in love na in love ang dalaga na hindi lang isang beses na dumanas na heartache.

SUNSHINE CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with