Jeric Gonzales
Jeric mabilis ‘pinatay’
Joe Barameda (Pang-masa) - May 29, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maraming nagtatanong kung bakit pinatay ang character ni Jeric Gonzales sa Kambal Karibal lalo na ngayong nag-click sa fans ang tambalan nila ni Kyline Alcantara. Kaya tuloy nagkaroon ng violent reaction ang mga sumusuporta sa tambalan nila. Kailan lang ay nag-taping si Kyline ng Wagas kung saan si Ruru Madrid ang katambal. Kaya lang ‘di pa man na-eere ay nag-warning na si Ruru na ‘wag silang i-bash at trabaho lang yun.

Si Jeric naman ay pasok sa bagong teleserye kaya pinatay sa Kambal Karibal.

Sa tagal ng panahon na pag-aartista ni Jeric ay ngayon lang umaangat pero mukhang mapupurnada pa.

Anyway tingnan na lang natin kung saan hahantong ang move na ito ng GMA management.

Yasmien mas palaban na

Isang palabang Thea (Yasmien Kurdi) ang napanood recently sa episode ng adbokaseryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Naabutan niyang magkasama sa ospital sina Marco (Mike Tan) at Ava (Jackie Rice) kaya hindi na niya napigilang kaladkarin ito palabas at patikimin ng galit niya!

Patindi nang patindi ang mga eksena kaya subaybayan lang ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka weekdays pagkatapos ng The Stepdaughters sa GMA Afternoon Prime.

JERIC GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with