^

Pang Movies

KMJS may Pasko Playlist

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong Linggo (December 17), handog ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang Pasko Playlist: Kapuso Mo, Jessica Soho Christmas Special.

Ang Kampana ng Simbahan sa Ozamiz City, sa Misamis Occidental, nanggigising na. Dahil makalipas ang mahigit apat na dekada, naibalik na sa kanilang probinsya ang nawawalang imahen ng kanilang patron—ang Birhen sa Cotta.

Mamangha naman sa mga kumukuti-kutitap na higanteng parol na ipinarada sa Baguio City at animated Christmas Display sa Bayambang, Pangasinan. Maki-Jingle Bells din sa Beki Carolers ng Muntinlupa na viral ngayon dahil sa buwis buhay nilang pangangaroling.

Tikman naman ang Manok na Tinola ng mga Tagalog, Keso de Bolang Kaldereta sa Laguna at ang libu-libong espesyal na Puto Calasiao sa Pangasinan, na pinagsama-sama para bumuo ng Largest Rice Cake Mosaic.

Pakinggan din ang nakakaantig na kwento ng OFW na si Glenn Jose, na dahil malayo sa kanyang pamilya naging malungkot ang kanyang mga nakaraang Pasko.

Ang Christmas wish naman ng Filipino-Australian na si Joel de Carteret at Philip Farinas na makita ang kanilang mga kadugo, maagang natupad nang nakapiling na nila ang kanilang nawalay na pamilya.

Huwag palampasin ngayong Linggo ang KMJS pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko, sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with