Mayor HB binibira dahil sa ranggong colonel
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 17, 2017 - 12:00am

Pinaghirapan ni Mayor Herbert Bautista ang tinanggap na rank na colonel na kinumpirma ng Senado last Wednesday.

Hindi pinalampas ng mga basher/hater ni Mayor HB sa ranggo na tinanggap na nagsilbing belated birthday gift din niya. Sa May 12 ang totoong kaarawan ng QC Mayor.

Nagsimula rin sa mababang rank si Bistek. Nag-aral siya at nag-training. Dumaan din siya sa proseso bago nabigyan ng kumpirmasyon ang bagong rank sa military.

Sa kaalaman ng lahat, kumuha ng Master’s in National Security Admi­nistration, Department of National Defense si Mayor. Kaya naman isa rin siya sa presidential adviser sa peace process ng present administration, huh!

Siyempre pa, inggit ang pangunahing rason kaya binibira si Mayor HB sa bago niyang titulo, huh!

DongYan at baby Zia rampa nang rampa sa Osaka

Lumayas pala patungong Osaka, Japan ang pamilya nina Dingdong Dantes, Marian Rivera at siyempre pa si Baby Zia. Kaya pala nu’ng isang araw eh, may kuha sina Yan at Zia sa immigration.

Siyempre pa, kyut na kyut si Zia na gumala sa Osaka castle doon. May kuha rin silang mag-ina na panlamig ang suot

Pawang ang cute ni Zia ang comments na bumaha sa IG nina Dong at Yan.

Pagbalik ni Marian, sabak na siya sa bagong soap ope­ra habang si Dingdong eh focus muna sa docu na Case Solved.

?Paolo nagpapakaligaya sa Bora kasama ang partner?!

Malapit nang matapos ang ipinatatayong bahay ni Paolo Ballesteros.  Ipinasilip na niya ang façade ng ginagawang bahay na balitang sa Antipolo ang lokasyon.

May inilabas ding video si Pao na sinisementuhan ang isang bahagi ng bahay na may nakaukit ng pangalan ng mahahalagang tao sa buhay niya gaya ng anak at magulang with matching bubog, huh!

Kulang na nga lang ay magkaroon siya ng follow up movie after ng successful starrer na Die Beautiful.

Kahapon ay may photo si Pochoy na nasa Boracay kasama ang ilang kaibigan at kapamilya. Naintriga lang ang followers niya sa isang taong katabi at kaakbay niya, huh!

HERBERT BAUTISTA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with