Panday paparada sa Sinulog
Jun Lalin (Pang-masa) - January 15, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ngayon ang libing ng former publisher ng Manila Bulletin at uncle ni Annabelle Rama na si Mr. Napoleon Rama.

Hindi makaka-attend si Bisaya ng libing dahil maaga ang lipad nila ni Richard Gutierrez pa-Cebu para sa Sinulog Festival bukas.

Hindi na rin kasi makakuha ng panibagong flight pa-Cebu si Bisaya dahil lahat ng airlines na papunta roon ay fully booked na. Magsi-Cebu si Bisaya dahil may float ang Panday fantaserye ni Richard Gutierrez sa Sinulog Festival Parade.

Ang Panday ay ang bagong fantaserye ni Richard sa new TV5 at prodyus ng Viva ni Boss Vic del Rosario.

Anyway, nagpunta si Pres. Noynoy Aquino sa wake ng yumaong uncle ni Bisaya. Nagkita roon sina Bisaya at PNoy.

Speaking of Panday, kuwento ni Bisaya, gandang-ganda sina Boss Vic sa mga eksenang nakunan na kay Richard.

Maging si Richard daw ay impressed sa mga taga-Viva at TV5.

May mga eksenang sa Ilocos kinukunan at meron din naman sa may Tanay.

Medyo hirap din daw sila sa ibang mga eksena dahil puro sa may mga buhangin nga sila nagte-taping, pero tiis-tiis lang daw dahil maganda naman daw talagang tingnan ang mga eksenang kinukunan sa may desert.

Pati ‘yung mga eksena sa iba’t ibang mga bundok ay magaganda rin.

Si Jasmine Curtis Smith nga pala ang leading lady ni Richard sa Panday at ang makakuwentuhan ito ni Raymond Gutierrez, ang twin-brother ni Richard, sobrang excited daw ang kapatid ni Anne Curtis sa proyektong ‘yon.

Wala namang twin-birthday celebration ngayong taon na ito sina Richard at Raymond.

Pupunta kasi si Raymond ng Dubai, United Arab Emirates sa January 18 at malamang na isang linggo siyang tumagal doon.

Si Richard naman, simple family dinner get-together lang daw ang gusto.

Tamang-tama naman na Thursday ang birthday nila ni Raymond, kaya walang taping si Richard ng Panday sa araw na ‘yon at puwedeng makapaghanda ng birthday dinner para sa kanya ang lovey-dovey niyang si Sarah Lahbati.

Hindi lang si Angeline Erik madalas ding ayain ng sex ang mga kaibigan

Hindi lang pala si Angeline Quinto na kasama niya sa The Royals pre-Valentine concert sa MOA Arena on February 13 ang madalas biruin ni Erik Santos ng, “Sex tayo!”

Kahit pala ibang friends niya ay binibiro ng ganoon ni Erik.

Kilala naman daw si Erik na mapagbiro at tanging mga malalapit lang sa kanya ang binibiro niya ng ganoon, kaya hindi naman daw nao-offend ang mga ito.

Marami nga pala ang nagulat sa presscon ng The Royals nila nina Martin Nievera at Regine Velasquez-Alcasid dahil hindi pa pala umaamin sina Erik at Angeline sa napapabalitang relasyon nila.

Lumalabas nga na hindi pa sinasagot ni Angeline si Erik hanggang ngayon kahit magdyowang-magdyowa na ang dating nilang dalawa.

ALIGN ANG BISAYA DAW ERIK LEFT MGA PANDAY QUOT RICHARD STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with