^

Pang Movies

YanDre malakas ang dating!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ipinakita sa premiere night ng Lumayo Ka Nga Sa Akin noong Lunes ang trailer ng Girlfriend For Hire at marami ang kinilig sa mga eksena nina Andre Paras at Yassi Pressman.

Malapit nang mapanood sa mga sinehan ang Girlfriend For Hire dahil ito ang Valentine’s Day offering ng Viva Films at SMDC.

Excited na sina Yassi at Andre sa nalalapit na showing ng kanilang pelikula na matagal nang hinihintay ng mga tagahanga nila.

Gustung-gusto na nina Andre at Yassi na mapanood ng fans ang feel good movie na pinaghirapan at pinagbuhusan nila ng panahon.

Hindi na natuloy ang plano na pagpunta nina Yassi at Andre sa Palawan para kunan dito ang kanilang mga romantic scene dahil sa conflicts sa schedule pero maganda pa rin ang kabuuan ng launching movie nila.

Shy ‘nagnakaw’ na naman!

Hindi sinasadya na muling nagnakaw si Shy Carlos ng eksena sa Lumayo Ka Nga Sa Akin.

Si Shy ang anak nina Maricel Soriano at Herbert Bautista sa Shake, Shaker, Shakest episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin.

Tulad ng nangyari sa Para sa Hopeless Romantic, hindi sinasadya na nakuha ni Shy ang atensyon ng mga nanood ng Lumayo Ka Nga Sa Akin dahil sa malakas na rehistro niya sa screen at sa kanyang natural na pag-arte.

Isa si Shy sa mga young actress na hinuhulaan na bobongga sa 2016 ang career dahil masipag siya at mahal niya ang kanyang propesyon.

Bata pa lang, dream na ni Shy na maging artista at natupad ito dahil sa mga television commercial na ginawa niya noong bagets pa siya.

Sa tulong ng Viva Artists Agency at ng Viva Films, sure na sure na ang pagnining­ning ng bituin ni Shy ngayong taon.

Gov. Vi, nagbigay-pugay din kay Master Showman

Dumalaw na kahapon si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa burol ni Kuya Germs sa Our Lady of Mount Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City.

Kahit identified si Kuya Germs kay Nora Aunor, malapit din sa puso niya ang Star for All Seasons.

Mula sa Mt. Carmel Church, dadalhin ngayon sa Studio 7 ng GMA Network Center ang labi ni Kuya Germs.

Feeling sikat na sikat aktor nanigas ang leeg nang makakita ng reporter

Nakita ng isang showbiz reporter na magkasama sa late night dinner sa isang tagong restaurant sa Quezon City ang aktor at ang aktres na magkapareha sa teleserye.

Nanigas ang leeg ng aktor nang ma-sight nito ang showbiz reporter na malapit ang puwesto sa table nila ng aktres.

Nanigas ang leeg as in nagpanggap ang aktor na hindi niya nakikita ang showbiz reporter na dinedma naman siya.

Ang akala yata ng aktor, babatiin ito ng reporter pero kung umiwas siya, ni hindi siya tinapunan ng tingin ng manunulat na nairita sa aktor.

Ang sey ng reporter, wala talaga sa kanyang plano na pansinin o batiin ang aktor dahil bukod sa has-been, may image ito na walang utang na loob at nang-iiwan ng kaibigan sa gitna ng laban.

vuukle comment

AKTOR

ALL SEASONS

ANDRE PARAS

ANG

GIRLFRIEND FOR HIRE

KUYA GERMS

LUMAYO KA NGA SA AKIN

QUEZON CITY

SHY

VIVA FILMS

YASSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with