Kahalagahan ng pamilya ituturo nina Goma at Dawn
(Pang-masa) - October 24, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – May pag-asa pa kayang mabuo ng pagmamahal ang isang nasirang pamilya?

Ngayong Nobyembre, bibigyang diin ng ABS-CBN ang kahalagahan ng pamilya sa mga manonood sa paglalahad ng kwento ng isang anak na gagawin ang lahat mabuo lang ang kanyang pamilya sa pinakabagong powerhouse primetime drama na  You’re My Home simula ngayong November 9.

Kilalanin ang pamilya Fontanilla sa mata ng pinakamatandang anak na si Grace Fontanilla (Jessy Mendiola). Matapos ang maraming taon ng pamumuhay ng simple lang, magiging marangya ang kanilang mga buhay simula ng hawakan ni Gabriel (Richard Gomez) ang kasong frustrated homicide laban kay Christian Vergara (JC De Vera), anak ng isang makapangyarihang senador. Ang noo’y 12 taong gulang na si Grace ay maghahanap ng atensyon mula sa ama at inang si Marian (Dawn Zulueta) at maiisipang magrebelde

Isang gabi, umalis siya ng walang paalam at lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan. Hinabol siya ni Rahm at ng mga kasambahay kaya naman naiwan si Vince mag-isa sa bahay. Matapos lang ang ilang oras, gugulat na sa mga Fontanilla ang balitang babago sa kanilang mga buhay---- ang biglang paglaho ni Vince.

Lilipas ang 25 taon at patuloy ang pangungulila nila kay Vince.  Dala ng kanyang pagkawala kung kaya’t naghiwalay na sina Marian at Gabriel. Si Marian ay abala na sa kanyang clothing line business habang si Gabriel naman ay kinakasama na si Roni (Lara Quigaman), ang pulis na naghawak ng kaso ng kanyang anak. Sa murang edad, si Rahm (Sam Concepcion) naman ay may anak at asawa na, habang si Grace naman ay patuloy na sinisisi ang sarili sa pagkakawala ng bunsong kapatid.

Muling pagkukrusin ng tadhana ang landas ni Grace at ng ngayo’y binata nang si Vince (Paul Salas). Sa kaniyang pagbabalik, manumbalik din kaya ang dati’y matibay na ugnayan ng pamilya Fontanilla? Bigyan kaya nina Marian at Gabriel ng ikalawang pagkakataon ang kanilang pagmamahalan? Matanggap kaya ni Rahm si Vince sa kabila ng selos na nararamdaman nito sa kapatid? Paano kung mahulog ang loob ni Grace kay Christian, ang lala­king nahatulang guilty sa pagkidnap kay Vince? Mas matimbang ba ang pag-ibig niya sa pamilya kaysa sa binata? Ano ang katotohanan sa pagkawala ni Vince?

Kasama rin sa cast sina Assunta De Rossi, Tonton Gutierrez, Minnie Aguilar, Diana Zubiri, Joebel Salvador, Mika Dela Cruz, Peewee O’Hara, Belle Mariano, Bugoy Carino, at Raikko Mateo.

Ang  You’re My Home ay sa direksyon ni Jerry Lopez-Sineneng.

Carla Abellana, ready na sa Celebrity Ukay-Ukay

Sunud-sunod ang blessings na dumara­ting kay Carla Abellana. Paano ba namang hindi eh napakabait ng Kapuso actress na ito at pinangunahan pa ang Celebrity Ukay-Ukay para maibigay ang mga kikitain sa GMA Kapuso Foundation. Reding-redi na nga ang mga kahong-kahong ido-donate at ibebenta ni Carla para sa nasabing event.

 

ACIRC ANG ASSUNTA DE ROSSI BELLE MARIANO CARLA ABELLANA CELEBRITY UKAY-UKAY FONTANILLA MGA MY HOME RAHM VINCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with