Bea naging suki ng ER!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - July 29, 2015 - 10:00am

Para sa pelikulang The Love Affair ay kinarir talaga ni Bea Alonzo ang competitive sailing at talagang nag-train siya for 10 days. At say nga ng aktres, talagang buwis-buhay ito for her and sobrang challenging dahil hindi naman siya sporty and athletic na tao.

Bale ba ay dalawang beses na tumaob ang bangka habang nagsu-shoot sila kaya talagang naging suki raw siya ng ER (Emergency Room) ng hospital.

“Una, natama ‘yung katawan ko sa bakal na bar so nagkaroon ako ng maraming pasa. Na-ER.

“Sunod, nag-capsize, ‘yung head naman ang tinamaan. Talagang accident prone din naman kasi ako. ‘Yung mga kasama ko naman, hindi naman nangyayari sa kanila ‘yun,” natatawang sabi ni Bea.

Pero ngayon daw, sobrang galing na raw niyang mag-sailing.

“Sobrang galing ko nang umarteng mag-sailing,” natatawang pagkokorek niya.

May love scenes sina Bea at Richard Gomez sa The Love Affair at napaka-gentleman naman daw ng aktor sa mga intimate scenes nila.

Paulo kontra sa pagkukumpara sa kanila ni John Lloyd

Grabe ang husay na ipinakikita ni Paulo Avelino sa Bridges of Love kaya naman sinasabing siya na raw ang susunod na John Lloyd Cruz ng ABS-CBN.

Ano ang reaction ni Paulo rito?

“Wala naman po sigurong papalit sa trono ni John Lloyd,” humble na sinabi ni Paulo, “pero ako lang, I’ve been trying to carve my own path in this business. I’ve been trying to bring in something new and sana, eventually ay magawa ko at mangyari ‘yung mga gusto ko hindi lang para sa sarili ko kungdi para sa industriya natin.”

Aminado naman si Paulo na may pressure rin for him ang ganitong mga comparison.

“Pressure, lagi namang nandu’n ‘yung pressure pero it’s not pressure to compete with someone, it’s pressure on myself kasi, kung baga, ang dami ko pang gustong gawin, ang dami ko pang gustong ibigay,” he said.

Bagama’t marami ang pumupuri sa kanya sa Bridges of Love, sabi ni Paulo ay hindi naman ito solong trabaho lang niya kundi buong team sila.

“More than me, it’s really the people behind, eh, it’s my co-actors or editors na ine-edit nang maayos ‘yung mga eksena namin, ‘yung writers namin na nagsusulat ng ganu’n kasasakit na salita para maramdaman mo. It’s really the people behind. Kung baga, isa lang akong. . .parang medium lang ako ng lahat ng gustong gawin ng buong grupo,” sey ni Paulo.

Asawa ni Jolina expert sa pag-aalaga ng anak

Ang paghanga niya kay Jolina Magdangal-Escueta ang isa sa dahilan kung bakit ang aktres ang kinuhang endorser ni Ms. Aileen Go ng Mega Soft Hygienic Product, Inc. sa bago nilang produkto na Super Twins Premium Baby Diaper.

Ayon kay Ms. Go, high-school pa lang daw siya ay big fan na siya ni Jolens.

“Sobra-sobrang idol ko siya. Kaya noong nalaman ko na nagkaroon na siya ng baby, sabi ko, kailangan si Jolina ang kukunin kong endorser.

“So, sobrang excited ako na ma-meet siya for the first time. Tapos syempre, bonus na lang talaga ‘yung magkasama kami sa project.

“Sobrang tiwala ako sa talent niya, kung sino siya talaga, kaya as a fan ay excited ako for her. Wala akong ibang choice, si Jolina lang,” pahayag ni Ms. Aileen.

Pero siyempre, ang gagamit ng diaper ay ang one year old baby ni Jolens at ni Mark Escueta na si Pele Iñigo. Kaya naman buong Escueta family na ang kinuha nilang endorsers.

Ayon kay Ms. Aileen, pina-try nila kay Pele ang diaper para siyempre, ma-test mismo ng mag-asawa ang produkto at talagang natuwa raw sila sa mister ni Jolens dahil ito raw ang sagot nang sagot nang tinatanong na nila ang mga ito about the product.

“Ibig sabihin sobrang hands on dad siya. Nakakatuwa kasi talagang kita mo ang involvement nila as parents,” sabi pa ni Ms. Aileen.

Eighteen months ang kontrata ng Escueta family para maging endorser at say ni Ms. Aileen, verbally ay nag-usap daw sila ni Jolens na forever silang magkakatrabaho.

“Kasi, nagsabi na siya sa akin na magkakaroon pa siya ng another baby. Sabi ko, dapat contract natin, forever, ha? Tuwang-tuwa rin naman siya.”

ACIRC ANG BRIDGES OF LOVE JOHN LLOYD JOLENS JOLINA LANG MS. AILEEN NAMAN PAULO SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with