Max, first time pupunta ng Hong Kong
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - March 21, 2015 - 12:00am

Napakaganda ngayon ng takbo ng career ni Max Collins. Bukod sa pinagbibidahan nitong teleserye na Kailan Ba Tama ang Mali ay abala pa rin ito sa Bubble Gang at Sunday All Stars bukod pa sa iba’t ibang photoshoots sa iba’t ibang magazines. Kaya naman kailangan niyang makapagrelaks at ngayong Semana Santa ay pupunta ito ng Hong Kong.

Hindi pa pala siya nakakarating dun kaya makakapag-relax siya nang husto, magsa-shopping at magkakaroon ng quality time para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Bunga ng pagtataksil sa Love Hotline

Maraming naka-relate sa episode noong Biyernes sa Love Hotline kung saan malaking katanungan kung dapat bang ipaalam sa batang itinuring mong anak na bunga siya ng pagtataksil ng yumao mong asawa?

May kumukubling paghihinagpis sa inang si Nanay Imelda dahil kinupkop nito ang bata na naging anak ng asawa sa ibang babae. Nang mamatay ang ama naglaho rin ang pagmamahal ni Nanay Imelda sa itinuturing na anak.

Pagkalipas ng labing walong taon naipagtapat din ni Nanay Imelda sa anak-anakan ang tunay niyang pagkatao. Paano kaya ito tatanggapin ng anak?

Tinalakay nina Jean Garcia at May Soriano kung paano mu­ling ipaglapit ang loob ng mag-ina.

BUBBLE GANG HONG KONG JEAN GARCIA KAILAN BA TAMA LOVE HOTLINE MAX COLLINS MAY SORIANO NANAY IMELDA SEMANA SANTA SUNDAY ALL STARS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with