^

Pang Movies

Relasyong Jake at Gretchen ilusyon lang

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Please tigilan ang ilusyon na ang sexy reporter na si Gretchen Fullido ay may relasyon kay Jake Ejercito?

Kahit hindi kasabayan ng mader ni Jake na si Miss Tondo Girl search, tiyak na baka mapuwersang pumasok uli sa isang boarding school sa London ang poging anak ni former President Erap Estrada.

Ang dami namang young and pretty chicks around, bakit kay Fullido papatol si Jake?

Macho newcomer pumapatol kahit kanino

Isang taga-showbiz ang nag-post ng picture ng isang macho newcomer sa Facebook. Todo ang ngiti ng bagong saltang artista, habang katabi ang baklesh.

Hindi naman sapat na ebidensiya ito para ma-confirm na meron silang dating relasyon. Natural naman sa mga promdi ang magpapatol sa mga tutulong na matupad ang kanyang ambisyon.

Saka kahit kanino nagpapa-picture sila, basta hindi lang nakahubad.

Anne ayaw tigilan sa patutsada

Tuloy  ang patutsada kay Anne Curtis na hindi bagay sa singer/actress ang role sa Mars Ravelo classic.

Sagot naman ni Anne, siya ang gumanap sa Kampanerang Kuba at Diyosa, mga fantaseryeng super taas ang rating.

Opinyon ng mga detractors ni Anne, higit na magiging effective ang isang newcomer portraying Dyesebel. Kaya ba hindi nagpapahuli si Louise Delos Reyes sa Kambal Sirena.

JC superstar palabas na sa Rome

Palabas for the first time ang musical na Jesus Christ Superstar sa Rome, with the original JC, Ted Neeley playing the title role. Tinatanghal ito sa Teatro Sistina, na malapit lang kay Pope Francis.

Kung may panahon ang Santo Papa at magkaka-interes siya, mapapanood niya ang unang stage musical tungkol sa buhay ng Panginoong Hesukristo.

Malay naman natin kung nakapanood na siya ng film version nito o ng ibang stage edition ng JC Superstar, noong ordinary priest pa lang siya.

Noah malabo nang maipalabas sa bansa, distributor at produ nagkademandahan

Dapat noong April 2 pa ang playdate ng Noah film na bida si Russel Crowe. Baka hindi na ito mapalabas sa bansa.

Nagkaroon ng kaso ang Solar Films, na local distributor ng Noah at ang United International Picture (UIP) na may gawa ng multi-million dollar production.

Say ng mga authority sa batas, matagal pa bago maresolba ang kaso. Abutin pa kaya ng dalawang susunod na Kwaresma?

Daniel masyadong masunurin

Masunuring bata si Daniel Padilla, kahit OA na ang pinapakita niyang ‘pagmamahal’ kay Kathryn Bernardo.

Kahit ano pa ang gawin niya, hindi naman mati­tibag ang Daniel/Kathryn tandem. Wala naman higit na malakas na loveteam sa kanilang dalawa (local showbiz).

Tigilan na ang pag-arte at baka mag-backfire. Sa halip na dumami ang tatangkilik, mabawasan pa ang fans at lumipat sa Enrique Gil/Julia Montes pair.

vuukle comment

ANNE CURTIS

DANIEL PADILLA

ENRIQUE GIL

GRETCHEN FULLIDO

JAKE EJERCITO

JESUS CHRIST SUPERSTAR

JULIA MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with