^

Pang Movies

Vhong kabado sa Da Possessed

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Vhong Navarro, hindi talaga madaling magpatawa lalo na kung may mga dina­daanan kang problema. Kaya nga ito raw ang ikinabibilib niya sa mga komedyante.

“Alam ko naman hindi lang ako ang komed­yante na may dinaanang problema. Alam ko na mas marami pa na may ibang mas mabibigat na dinaanan pero nakaya nilang ma-survive.

“Ang sa akin lang po, mahirap magpatawa lalo na rito sa atin. Kapag nagpapatawa tayo, ang sasabihin agad, ‘ay corny,’ ‘ay waley.’ ’Yung pangit na side agad ang tinitingnan ng iba,” say ni Vhong.

Habang ginagawa nga raw niya ang pelikulang Da Possessed, dito niya napatunayang mahirap daw ta­laga magpatawa kapag may problema.

“Kaya mas masarap mag-drama,” rason niya.

Aminado si Vhong na kabado siya sa nalalapit na showing ng Da Possessed dahil ito ang una niyang pelikula ulit matapos ang unforgettable mauling incident niya at, aniya, hindi niya alam kung ano ang magi­ging pagtanggap sa kanya ng mga tao.

Kung sa suporta ng mga kaibigan at kasamahan sa industriya ay saganang-sagana si Vhong. Nasa kanya ang simpatiya ng buong industriya sa nangyari sa kanya.

Pero siyempre, hindi alam ni Vhong ang damdamin ng buong sambayanan. Of course, marami raw siyang nakukuhang words of encouragement mula sa fans pero alam naman daw niyang hindi niya mapi-please lahat.

Sa pelikulang Da Possessed na ipalalabas na sa April 19, dito makikita ni Vhong kung ano talaga ang pagtanggap sa kanya ng mga tao.

Kiko Matos nasusulitang mag-support kay Irma Adlawan

Okay lang kay Kiko Matos na maging support siya sa indie film na Edna na pinagbibidahan ni Irma Adlawan kahit nagbida na siya sa pelikulang Mumbai Love.

Pangatlong pelikula na bale ni Kiko ang Edna. Ang una ay Babagwa at ang pangalawa ay Mumbai Love na nakapareha pa niya si Solenn Heussaff.

Ayon kay Kiko, nang makatsikahan namin recently sa presscon ng pelikula na ginanap sa bahay mismo ng produ­cer, wala raw problema kung suppor­ting role lang siya sa Edna.

“Kung puro lead ang gagawin ko, baka wala akong masyadong trabaho,” natatawang sabi ni Kiko. “Willing ako sa kahit ano’ng role. For me, basta’t maraming trabaho, tanggap ko.”

Sulit naman daw kahit supporting role siya dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makasama si Irma na isang magaling na aktres at maidirihe naman ni Ronnie Lazaro na isa ring mahusay na aktor.

Iniidolo ni Kiko si Coco Martin na nagsimula bilang indie actor pero ngayon ay isa nang tiniti­ngalang isa sa pinakamahuhusay nating artista sa kasalukuyan.

Samantala, ang Edna ay produced ng Artiste Entertainment Works International, Inc. na siya ring nag-produce ng Ataul for Rent at Casa.

ALAM

DA POSSESSED

EDNA

IRMA ADLAWAN

KIKO

KIKO MATOS

MUMBAI LOVE

NIYA

VHONG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with