^

Pang Movies

Shaina ginimikan lang?!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Tinanong ang a­king opinyon sa mga pa-rhumba ni Piolo Pascual kay Shaina Mag­dayao. Malutong na ha­lakhak ang unang tu­gon ko, bago sinabing: “Timely and expected ito, meron silang pino-promote na pelikula na opening today.”

Kung maniniwala na­man tayo, baka sakaling magkatotoo. Alam naman natin sa showbiz, maraming nangyaya­ring hindi inaasahan.

Bela ‘iginanti’ ng dyowa

Narinig namin mismo kay Joey Sarmiento sa DWIZ radio show na Wow A Showbiz ni Fernan de Guzman kung paano siya binugbog sa shooting ng 10,000 hours, isa sa mga 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) official entries, na bida si Robin Padilla, sa Selecta Drive, A. Bonifacio Avenue, Quezon City, Sabado ng madaling araw.

Ayon sa showbiz columnist, nalaman niyang last shooting daw that morning ng MMFF entry at papunta na ang buong cast and crew sa Amsterdam, Netherlands kaya nagkusa si Sarmiento na sadyain ito.

Naging malugod naman ang kuwentuhan nila ni Robin Padilla. Ipinakilala pa sa kanya ang producer na si Neil Arce, na hindi alam ni Sarmiento ay boyfriend pala si Bela Padilla.

Noong una’y okay ang engkuwentro nila ni Arce. Hanggang sa yayain ang reporter sa isang madilim na bahagi ng garden ng compound. Sinigawan siya, “Hindi pa pala kayo nagkakaayos ni Bela.” Huli na ng malaman ng reporter na may dalawa pang lalaking nag-aabang, na siyang humawak sa kanya, habang sinampal, sinakal, dinibdiban, at ginawa pang parang pompyang ang kanyang magkabilang tenga.”

Very traumatic ang karanasang ito ni Sar­miento kaya’t nagpa-medico legal agad siya na balak niyang gamitin sa isang kasong isa­sampa laban sa producer. Ang sabi ni Sarmiento, bakit kailangang ilagay ni Arce sa kanyang kamay ang batas, kung meron man siyang na­ging atraso kay Bela?

Noon pa palang 2009 naisulat ni Sarmiento ang isang insidente tungkol kay Bela.

“Krista Sullivan pa ang pangalan niya noon,” tandang-tanda ng columnist. “Sumali siya sa isang contest na ako ang chairman ng board of judges. Natalo si Bela and she took it against me, na siyang isinulat ko.”

Diringgin din ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang kaso upang gumawa ng nararapat na hakbang. Siyempre bago mag­desisyon ang PMPC, gusto rin naming marinig ang panig ni Neil Arce. Kilala kasi ang kanilang pamilya na mabubuting tao na mara­ming naging kaibigan sa showbiz. Meron pang mga Arce na naging artista, na sumikat at kinalugdan naman ng lahat, pati mga showbiz press.

Bolivia dinayo ni Margie FloIrendo; Aga binisita ang Bohol

Manay Ethel Ramos, baka type mong mamasyal sa Bolivia, tulad ng ginawa nina former Miss Universe Margie Moran Floirendo and her daughter. Mula sa Miami, Florida, malapit na pala ang bansa sa tuktok ng Andes Mountains.

Mukha kasing enjoyable ang mag-overnight cruise sa Lake Titicaca, tulad nang ginawa ng mag-ina. Kaya lang baka dapat magdala tayo ng portable oxygen inhaler. Mataas kasi ang altitude ng Bolivia at kinakapos sa oxygen ang hangin.

Kung ayaw mo namang lumabas ng bansa, sa Bellevue Resort sa Bohol tayo magpunta, na favorite tourist destination sa ating bansa ngayon. Galing na roon si Aga Mulach nang sumama sa kanyang anak na si Chef Luigi Mulach, na nag-cooking demonstration sa magandang lugar.

Kaya hindi binibigyan ng trabaho

Aktres biktima ng mapaghinalang beki na nilalandi ang actor BF

Matagal na hindi nabigyan ng assignment ang isang aktres dahil ang hinala ang powerful beki ay nilalandi ng artista ang kanyang actor boyfriend. Mali pala ang kanyang bintang dahil napapraning lang siya everytime na nagkakaroon ng babaeng kaibigan ang kanyang poging lover.

Ngayon naman, bumabawi ang baklesh at panay ang bigay ng magagandang role sa aktres na dati    niyang inalisan ng trabaho.

OST album ni Juan nangunguna sa OPM charts

Ang Juan dela Cruz soundtrack album ang No. 1 sa overall charts this week. Siyempre ito rin ang nanguna sa OPM listings. Second place on both ra­tings is another soundtrack CD, Muling Buksan ang Puso, kaya No.3 na lang ang Expressions album ni Sarah Geronimo at pang-apat ang DJP sophomore album ni Daniel Padilla.

Kasali na sa Top 10 at number 7, ang All About Love CD ni KZ Tandingan.

 

AGA MULACH

ALL ABOUT LOVE

ANDES MOUNTAINS

NEIL ARCE

ROBIN PADILLA

SARMIENTO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with