^

Pang Movies

Lani Misalucha hinihintay mag-react

PARINIG NGA - Lanie M. Mate - Pang-masa

Naging punchline ang name ni Lani Misalucha sa Christmas party ng ABS-CBN last week para sa press people dahil kina Ogie Diaz at Jobert Sucaldito na hosts ng event. Iniwas-iwasang banggitin ang pangalan ng singer ni Jobert dahil magkagalit pala silang dalawa.

Nagsimula lang ito nang magpanting ang tenga ng publicist/radio host ng ABS-CBN sa pagbitiw ng salita ng mister ng singer na “Is that how you do business in the Philippines?”

Marami tuloy ang nag-react sa comment ng mag-asawa na akala mo nga naman daw ay lumaki sa Tate o sobrang tagal na nilang namamalagi sa USA.

Ayon kay Tito Jobert, si Lani mismo ang last minute na nag-cancel ng show sa Klownz sa Quezon City, na production sana nila, dahil sa hindi nito nagustuhan ang nakalagay sa ticket na “back to back” sila ng alaga ni Jobert na isa sa pambatong singer ng bar at avid fan din ni Nightingale. Puwede pa raw sanang gawan ng paraan ’yun. Pagkatapos daw umoo sa presyong pinagkasunduan nila si Lani ay nagkusa pa raw si Tito Jobert na ipasundo nito ng sarili niyang sasakyan ang singer dahil sa meron pang mauunang show si Lani para lang makarating ng walang aberya sa Klownz. Pero nang tawagan na si Noli na asawa at manager ni Lani ay saka ito nag-deny sa pinagkasunduan nilang show at umatras na. Ano kaya ang comment ng kampo ng singer dito?

Pamilya Revilla halos hindi na nagkikita sa maghapon

Kinunan last week sa Intramuros, Manila ang ilang shots ni Jennylyn Mercado para sa Indio na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla, Jr. na bagong soap ng GMA 7 sa pagpasok ng taon.

Kasama rin sa mga leading lady sina Rhian Ra­mos at Maxene Magalona. Si Phillip Salvador naman ang kontrabida.

Kasama pala dapat si Gianna Revilla pero dahil sa isa ito sa mga bida ngayon ng Teen Gen ng Kapuso Network ay hindi nagtugma ang schedule ng mag-ama.

Busy din si Rep. Lani Mercado dahil sinisimulan na rin nito ang project na pagsasamahan nina Rhian at Aljur Abrenica. Showing na rin ang indie film niyang Flames of Love next week. Hindi na nga raw sila nagkikita ng pamilya sa maghapon dahil lahat sila ay may kanya-kanyang trabahong pinupuntahan.

 

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BONG REVILLA

DAHIL

FLAMES OF LOVE

GIANNA REVILLA

JENNYLYN MERCADO

JOBERT

JOBERT SUCALDITO

LANI

TITO JOBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with