^

Bansa

‘Food Stamp’ program ipapatupad na nationwide

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Food Stamp� program ipapatupad na nationwide
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Edu Punay assists the recipients of "Walang Gutom 2027" food stamp program in Pritil, Tondo on August 16, 2023.
Edd Gumban / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Ipapatupad na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buong bansa ang “Food Stamp Program”.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), sa Hulyo ay ipapatupad na ang nasabing programa matapos ang anim na buwan na matagumpay na pilot implementation sa ilang bahagi ng bansa.

Nag-isyu na rin si Pangul­ong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 44 na nagtatag sa “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program”, na isang flaship program ng DSWD na may mandato para gumawa ng hakbang para sa matagumpay na implementasyon at pagpapalawak ng naturang programa.

Layon ng programa na bawasan ang insidente ng kagutumang nararanasan ng mga low income household sa pagbibigay ng monetary-based assistance sa pamamagitan ng Eletronic Benefit Transfer (EBT) cards na maaaring gamitin sa pagbili ng ilang food commodities mula sa mga elegible partner merchant store.

Sinabi naman ni DSWD Undersecretary Edu Punay sa isang press briefing na sinisimulan nila ang preparasyon para sa full implementation ng nasabing programa at isa dito ang pagkuha sa mga kailangang staff sa mga lugar na sakop ng programa.

Paliwanag ni Punay, ang naturang programa ay ipapatupad sa 10 rehiyon at 12 lalawigan na may initial target na 300,000 pamilya.

Ngayon buwan ay sinisimulan na anya ang kanilang validation at registration ng may 300,000 benepisyaryo para sa implementasyon sa Hulyo at nakakuha na rin sila ng 1,000 validators para rito.

May 21 lalawigan at 10 rehiyon ang na-identify ng kanilang departamento bilang priority areas.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with