Adobo in a jar business nina Aiza at Liza mabenta kahit exag daw ang presyo
Jun Lalin (Pang-masa) - December 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines - May business na adobo in a jar ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño at madalas silang sumali sa mga food bazaar.

May ibang mga nasasarapan, may iba namang nagsasabi na hindi raw ganoon kasarap ang adobo ng mag-asawa.

May iba ring nagsasabi na exaggerated ang presyo ng nasabing adobo.

Pero kahit may mga namamahalan sa adobo in a jar ng mag-asawa, mabenta naman sila sa mga food bazaar.

Mangungulelat sa MMFF nahuhulaan na

Wala raw sa schedules ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 ang magpa-presscon para sa eight official entries ngayong taon na ito.

Sabi sa akin ng isang MMFF-insider, hindi naman daw masyadong sumisipot ang mga artistang may filmfest entry kaya mukhang wala na talaga silang pa-presscon.

Anyway, ngayon pa lang ay hinuhulaan na kung anu-anong pelikula ang papasok sa top five at kung ano ang huling tatlong mangungulelat.

Pero sana naman ay kumita lahat ang walong kasali sa MMFF ngayong taon.

Rocco wala pa ring paliwanag sa umano’y isyung pera nila ni Lovi

Noong isang araw ay naka-text ko si Rocco Nacino.

Sa pangungumusta ko sa kanya, naikuwento niyang busy siya sa work at good naman daw siya at puro kain lately dahil maraming Christmas parties na ina-attend-an.

Inusisa ko siya kung sad ba ang Pasko niya dahil kalat naman ang balitang hiwalay na sila ni Lovi Poe, pero ang sagot niya ay, “No naman!”

Ang sumunod na tanong ko ay kung naka-recover na ba siya?

“Hahaha. Don’t believe everything you read. But it depends sa ‘yo. Hehehe!” sagot lang niya.

Hindi na nilinaw ni Rocco na kung ‘yung tsikang hiwalay na sila ni Lovi ang huwag kong paniwalaan o ang intrigang may perang involved sa hiwalayan nilang dalawa.

Anyway, pasasaan ba at magsasa­lita rin talaga sina Rocco at Lovi sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Vice pipiliting makasama sa concert sina Regine at Lani

Sa ngayon, nakatutok si Vice Ganda sa MMFF entry nila ni Coco Martin, ang Beauty and the Bestie.

Abala muna siya sa promotions no’n at next year, ang pagku-concert uli ang pagkakaabalahan niya.

Plano ni Vice na makasama naman ang mga singer na idolo niya.

Gusto ni Vice na magka-concert kasama sina Regine Velasquez at Lani Misalucha.

Ang makasama raw ang dalawa ang gusto niya noon pa at gusto niyang magkaroon ‘yon ng katuparan sa 2016!

 

ACIRC AIZA SEGUERRA ANG BEAUTY AND THE BESTIE COCO MARTIN LANI MISALUCHA LIZA DI LOVI LOVI POE METRO MANILA FILM FESTIVAL ROCCO
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with