TNT, RoS isasara PBA on Tour sa Ilocos
MANILA, Philippines — Dadayo ang Talk ‘N Text at Rain or Shine sa Norte tampok ang inaasaahang dikdikang banggaan para sa huling salang ng PBA on Tour ngayon sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Matapos bumisita sa Bulacan, Isabela at Batangas ay Ilocos ang magiging huling destinasyon ng PBA on Tour na pansamantalang naging exhibition matches ng liga habang nakatengga ang PBA Season 50 Governors’ Cup dahil sa Asian Games.
At bagama’t hindi pa ito opisyal na laro ay inaasahan ang giyera sa pagitan ng Tropang 5G at Elasto Painters upang mapalakas ang preparasyon sa pagbabalik ng aksyon sa Oktubre 7 sa Ninoy Aquino Stadium.
Lagpas 2 buwang nahinto ang PBA upang magbigay ng buong suporta hindi lang sa kampanya ng Gilas sa Asian Games kundi sa katatapos lang din na Window 4 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Naghahabol sa ikaapat na puwesto ang TNT hawak ang 4-4 kartada sa Group A habang lider ng Group A ang RoS bitbit ang 4-2 kartada.
May bagong import ang Tropang 5G sa katauhan ni Nick Hornsby upang maging kapalit ni Rahlil Hollis-Jefferson subalit hindi pa inaasahang isalang ni coach Chot Reyes.
Wala ring kasiguruhan kung paglalaruin na ni coach Yeng Guiao ang reinforcement na si Aaron Fuller.
- Latest
























