Dirtiest?
Tinawag ni Rain or Shine coach Yeng Guiao si Cliff Hodge ng Meralco as “the dirtiest player in the PBA.”
In Tagalog, pinaka-maduming player, meaning mapanakit sa mga kalaban.
Marami na akong nakitang dirty players sa PBA. And ang sa akin, hindi No. 1 si Hodge.
Rough, physical., yes. Pero dirty?
‘Yan din ang diga ng Meralco management. “Unfair, unfounded and unprofessional” daw ang comment ni coach Yeng.
Kanya-kanyang pananaw ‘yan.
Basta ang kay coach, sa tingin niya, sadya ang collision ni Hodge at Adrian Nocum sa game nila last week.
Natural, to the rescue si Guiao sa player niya na namilipit sa sakit sa sahig gaya ni Hodge.
Kilala natin si coach – fighter ‘yan.
Pero sana naman, walang serious injury kay Nocum. I’m sure lahat tayo, ‘yan ang dasal.
Naghain ng formal complaint ang Rain or Shine sa PBA laban kay Hodge.
Gusto ipa-impeach.
- Latest


















