Two Buckets
Inaalat ako sa pustahan lately.
Una, talo sa PBA Commissioner’s Cup finals. Sa TNT ako pumusta at natalo sa Ginebra.
Ngayon, sa World Cup. Sa Argentina ako pumusta at natalo sa Spain.
Dehins umubra si Leo Messi, ang greatest player from Argentina, sa depensa ng Spain. Parang Jaworski.
In the end, panalo ang Spain, 1-0, at nabawi nila ang title na ipinanalo nila nung 2010.
Friendly bet lang naman — two buckets ng SMB. Mas mabigat pa ang kantyaw.
Maraming napuyat sa final. At dahil hapon sa New Jersey ang laro, alas-tres ng madaling araw dito.
Kaya simple lang ang choices mo para manood: gumising ng maaga or dehins matulog.
Kami sa bahay, natulog at nag-alarm ng alas-tres. Maliwanag na nung bumalik kami sa tulog.
Mas masakit sa akin: napuyat na, olats pa sa pusta.
Sabi nga ng coaches, bawi next time.
- Latest


















