Ambassador Eala
Dehins boxer ang next Manny Pacquiao.
Tennis player.
Oo, malakas ang kutob ko na si Alex Eala na ang tagapagmana ng titulo ni Pacquiao na global ambassador ng Pinas.
Of course, meron tayong Caloy Yulo at Hidylin Diaz, ang mga gold medalists natin sa Olympics.
Pero as a global superstar, mukhang mas swak si Eala, ang 21-year-old na tennis star, sa title.
Iba syempre si Pacquiao, ang one and only boxer sa mundo na nanalo ng world titles sa walong divisions.
Buong mundo ang humanga sa kanya. Kahit saan pumunta, kilala ng tao. At na-witness ko ito.
Sa tingin ko, kaya marating ni Eala ang ganitong status. Dahil sa murang edad, malaki na ang fan base niya.
Pati ang tennis legends gaya ni Novak Djokovic at Maria Sharapova, kinikilala na si Eala. Magaling na, mabait at maganda pa.
Dehins ako magugulat na sa mga sunod na big tournaments niya, panoorin na siya nila Tom Cruise at Brad Pitt.
Baka kiligin si Eala.
- Latest























