‘Sharking’ sa SBA kinondena ni Mariano
MANILA, Philippines — Mariing tinuligsa ni Lucky Break founder at long time billiards patron Perry Mariano ang tinatawag na “sharking” sa SBA Season 2.
Sinabi ni Mariano na hindi ito ang bilyar na kinalakihan at iginagalang ng mga beteranong manlalaro.
“Bilyar is a gentleman’s game. Tahimik, may respeto, at puro focus,” ani Mariano. “At Lucky Break, we respect the heritage of the game. We are about the sport in its purest form, exactly how world champions were trained to play.”
Nilinaw ni Mariano na hindi niya minamaliit ang talento ng mga naglalaro sa SBA Season 2 kundi ang ginagamit na format ng liga.
“I look at Hadley’s league, and I don’t approve of this ‘sharking’ rule,” ani Mariano sa SBA na pinamumunuan ng kanyang anak na si Hadley Mariano na CEO ng liga. “You have people screaming and heckling habang may tumitira ng 9-ball. That’s a deviation from the sport. It turns a professional match into a circus.”
Kapag may sumisigaw o nanggugulo habang nasa kritikal na tira ang isang manlalaro ay nawawala ang respeto sa laro.
Sinabi pa ni Mariano na dapat ginagawang “show” ang isang propesyonal na laban at aminado rin siyang may entertainment value ang konsepto.
“Is there a wide market for SBA? Maybe. I’ll be honest, I actually watch a lot of his games. It’s highly entertaining,” sabi ni Mariano.
“But as a mainstream professional league for the future? I don’t see it lasting. You can’t build a legacy purely on noise.”
Sa huli ay pinayuhan ni Mariano si Hadley.
“I love my son, and I wish him all the luck in the world with this experiment. But he’d probably be better off sticking to the traditional game with me. When the fans get tired of the yelling, they’ll come back to the real sport,” ani Mariano.
Habang papalapit ang SBA Season 2 finals ay tila hindi lamang sa mesa umiinit ang laban, kundi pati sa prinsipyo kung ano nga ba ang tunay na bilyar.
- Latest


















