^

PSN Palaro

Madi humakot pa ng 5 golds sa Japan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maawat si Behrouz Mohammad Madi Mojdeh matapos humakot ng lima pang gintong medalya upang makumpleto ang matamis na eight-gold sweep sa boys’ 13-14 division ng 2025 Buccaneer Invitational Swim Meet na ginaganap sa St. Mary’s International School’s swimming pool sa Tokyo, Japan.

Sa huling araw ng kumpetisyon, hindi nag-slow down si Mojdeh nang agad nitong kunin ang gintong medalya sa 200m butterfly sa bilis na dalawang minuto at 11.45 segundo.

Muli itong umarangkada sa 200m Individual Medley matapos mangibabaw tangan ang oras na 2:16.02 bago angkinin ang ginto sa 100m breaststroke (1:10.26) para walisin ang lahat ng kanyang anim na individual events.

Pinangunahan pa nito ang Pinoy tankers sa pagkopo ng dalawang ginto sa relay events — sa 200m medley relay at 200m freestyle relay.

Sa kabuuan, may wa­long ginto ang La Salle-Greenhills tanker sa natu­rang two-day meet.

Una nang pinagha­rian ni Mojdeh ang tatlong events —sa 400m Indivi­dual medley, 100m butterfly at  200m breaststroke — sa opening day.

Magandang panalo ito para kay Mojdeh na naghahanda para sa kanyang debut sa NCAA swimming competitions sa Disyembre kung saan bahagi ito ng La Salle-Greenhills swimming team.

“I didn’t expect  to sweep all my six individual events and got two more gold medals in relay. Magandang morale boosting win ito for me before the NCAA tournament in December,” ani Mojdeh.

MOJDEH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with