Sayonara!
No choice. Good choice.
Ganyan ang sitwasyon ni Jamie Malonzo na kumalas sa Ginebra para maglaro sa Kyoto Hannaryz ng Japan B.League.
Sa laki ba naman ng offer, talagang wala nang isipan.
Sabi ng mga bubwit, aabot ng $40,000 a month ang sahod ni Jamie sa Japan or halos P2.4 million.
Dehins naman pipitsugin ang sweldo ni Jamie sa Ginebra. Kasama na siguro ang bonuses, pwede umabot ng P800,000 per month.
Sa ordinaryong empleyado, baka kailangan mo kumayod ng dalawang taon at magtipid ng husto para kumita ng P800,000.
Pero halos times three pa ang makukuha niya sa Japan. Kaya no choice kundi magpaalam sa Ginebra.
Pinayagan naman.
Ang masakit lang, dehins masyado nasulit ng Ginebra si Malonzo na nakuha ng Gin Kings sa NorthPort kapalit sina Arvin Tolentino, Jeff Chan, Prince Caperal at isang future draft pick.
Isang balde ang kapalit.
Matagal kasi nasa injury list si Jamie at nakabalik lang last January.
Pero that’s history. Papunta na ng Japan si Jamie. Malaking kawalan din sa Ginebra of course.
Ganyan talaga ang buhay.
- Latest


















