^

PSN Palaro

Team Philippines tumapos ng 9th place sa APG

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magarbong tinapos ng Team Philippines ang kampanya nito matapos okupahan ang No. 9 spot sa overall medal tally sa 4th Asian Para Games na ginanap sa Hangzhou, China.

Nakalikom ang national para athletes ng 10 ginto, apat na pilak at limang tansong medalya para malampasan ang ika-11 puwestong pagtatapos ng Pilipinas noong 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.

Pinakamaningning ang chess team na humakot ng mayorya ng ginto ng Pilipinas sa quadrennial meet.

Nakalikom ang para chess squad ng walong ginto — mas marami kumpara sa limang ginto na nakuha ng tropa noong 2018 edisyon ng torneo.

Nanguna sa ratsada ng chess team si Menandro Redor na may tatlong ginto-- isang dindividual at dalawang team events.

Kasama ni Redor sa chess team na kumana ng gintong medalya sina Cheyzer Mendoza, Henry Lopez, Darry Bernardo, Arman Subaste, Sander Severino at Jasper Rom na namayagpag sa kani-kanyang individual at team events.

Nagparamdam din sina Paralympians Ernie Gawilan at Jerrold Mangliwan para makapag-ambag ng gintong medalya sa Team Philippines.

Wagi ng ginto si Gawilan sa men’s 400m freestyle S7 habang may tanso naman ito sa 200m individual medley SM7 event sa swimming. Namayani naman si Mangliwan sa men’s 400m T52 event sa athletics.

vuukle comment

TEAM PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with