^

PSN Palaro

Salamat MVP, RSA!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Salamat MVP, RSA!
Tim Cone.
Philstar.com / Erwin Cagadas

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA) sa lahat ng sumuporta at tumulong upang masungkit ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa 19th Asian Games na gina­nap sa Hangzhou, China.

Pangunahin nang pinasalamatan sina business tycoons Manny V. Pangi­linan (MVP) at Ramon S. Ang (RSA) na nagsanib-puwersa upang suportahan ang Pinoy squad.

Malaki ang naging papel nina Pangilinan at Ang sa hangaring maibalik sa Pilipinas ang kampeonato ng Asian Games sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit anim na dekada.

“Individual and combined passion for the upliftment of Philippine basketball has motivated the entire team to aim high and never say die,” ayon sa statement ng SBP at PBA.

Pinuri rin si Gilas Pili­pinas head coach Tim Cone na siyang gumabay sa national team para ma­ging matagumpay ito sa kabila ng ilang problemang kinaharap ng tropa.

Matatandaang ilang araw bago magsimula ang Asian Games, problemado ang Gilas Pilipinas c­oaching staff dahil sa accreditation ng ilang players.

Subalit nagawan ito ng paraan sa pagtutulungan ng SBP at PBA upang makabuo ng solidong Final 12 sa Asian Games.

“The SBP and PBA are celebrating with immense pride and joy the historic moment brought about by the landmark championship won by the GILAS PILIPINAS MEN’S TEAM at the 19th Asian Games in Hangzhou, China – 2023,” ayon pa sa statement.

Hindi rin matatawaran ang dedikasyon nina Gilas team manager Alfrancis Chua at deputy team ma­nager at PBA commissioner Willie Marcial na ka­tuwang ng tropa sa bawat hakbang nito.

Kaya naman saludo ang SBP at PBA sa mga nagsanib-puwersa para muling mai-angat ang bandila ng Pilipinas sa Asian region.

vuukle comment

SBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with