^

PSN Palaro

Sa wakas!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

HANGZHOU--Sa wakas. Finally. At long last.

Kahit ano pa ‘yan, natapos rin ang matagal na pagdurusa ng Pilipinas sa men’s basketball ng Asian Games.

After 61 years, nag-champion ulit ang bansa natin.

Oo, 61 long years. Last time tayo nanalo ng Asian Games gold sa basketball eh noong 1962 pa. Sa Jakarta. Si Caloy Loyzaga pa ang star ng team.

Never na ulit tayo nanalo sa pinakamamahal nating sport pagdating sa Asian Games.

Best finish na ‘yung silver noong 1990 na si Robert Jaworski pa ang coach. Nag-bronze rin tayo noong 1986 under coach Joe Lipa at 1998 under coach Tim Cone.

Maraming heartache. Mga masasakit na talo. Nasa Busan rin tayo noong matalo tayo sa semis sa kamay ng mga Koreano.  Ang sakit nun. Panalo na, natalo pa.

Pero napawi na lahat ‘yan last Friday nang talunin ng Gilas ang Jordan sa final game dito. In the end, champion na ulit ang Pinas sa Asian Games.

History ang naranasan natin.

Natural, masayang masaya ang lahat dito. Pla­yers, coaches, staff members at pati na ang buong delgasyon natin.

Sa isang panalo, nakalimutan lahat ng failure at frustration.

Salamat, Gilas.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with