^

PSN Palaro

Gilas mainit ang simula sa Asiad, Bahrain tambak

JBulanday - Pilipino Star Ngayon
Gilas mainit ang simula sa Asiad, Bahrain tambak
Kagaya ng kanyang ipinamalas sa Cambodia sa Southeast Asian Games kung saan nabawi ng Gilas ang gintong medalya, walang kupas ang naturalized player na si Brownlee tungo sa paglista ng kumpletong 20 puntos, 9 rebounds, 3 assists, 3 steals at 1 tapal.

MANILA, Philippines — Nagpakitang-gilas agad si Justin Brownlee para sa Gilas Pilipinas nang trangkuhan ang higanteng 89-61 panalo kontra sa Bahrain para sa magandang panimula sa 2023 Asian Games kahapon sa Hangzhou Olympic Sports Centre Gym sa China.

Kagaya ng kanyang ipinamalas sa Cambodia sa Southeast Asian Games kung saan nabawi ng Gilas ang gintong medalya, walang kupas ang naturalized player na si Brownlee tungo sa paglista ng kumpletong 20 puntos, 9 rebounds, 3 assists, 3 steals at 1 tapal.

Sumuporta sa kanya sina Ange Kouame at CJ Perez na may tig-15 puntos habang may 10 din si Calvin Oftana para sa maugong na debut win ng Gilas upang manguna agad sa Group C hawak ang 1-0 kartada.

Susubok ang Gilas na maka 2-0 agad at mapa­lakas ang tsansa sa playoffs kontra sa Thailand bukas.

Hindi pa agad naka­alagwa ang Gilas sa laban, 22-18, matapos ang first quarter, bago nagpakawala ng 29-15 birada sa second period upang makapagbaon ng 51-33 bentahe sa halftime.

Lumamang pa ang Gilas ng hanggang 34 puntos tungo sa 28-point win kahit pa bago pa lang ang koponan sa gabay ni head coach Tim Cone dagdag pa ang mga replacement players nang hindi payagan ang ibang manlalaro.

Sa ilalim ni Cone na siya ring head coach ng Philippine Centennial team na huling nag-uwi ng bronze medal sa bansa noong 1998 Asian Games ay determinado ang Gilas na makabalik sa tuktok ng kontinente.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with