^

PSN Palaro

Team USA babawiin ang korona ng World Cup

JBulanday - Pilipino Star Ngayon
Team USA babawiin ang korona ng World Cup
Ang pagbabalik sa bansa ni Fil-Am coach Erik Spoelstra para sa paglahok ng Team USA sa 2023 FIBA World Cup.
USA Basketball photo

MANILA, Philippines — Matamis na higanti ang misyon ng Team USA sa pagdating nito sa Pilipinas kahapon para sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup na magbubukas sa Biyernes at tatakbo hanggang Setyembre 10.

Matapos magkasya lamang sa 7th place noong 2019 edition sa China, hindi paaawat ang Team USA kahit pa bagito ang ipina­dalang koponan na walang maski isang superstar mula sa NBA.

Sa pangunguna ni All-Star guard Anthony Edwards ng Minnesota Timberwolves, misyon ng USA na mabawi ang korona sa World Cup matapos kaldagin ng Serbia, 89-94, sa quarterfinals apat na taon na ang nakakalipas.

Makakasama ni Edwards sa Team USA sina reigning NBA Defensive Player of the Year Jaren Jackson Jr. ng Memphis Grizzlies, Rookie of the Year Paolo Banchero ng Orlando Magic at All-Star forward Brandon Ingram ng New Orleans Pelicans.

Swak din sa koponan sina Austin Reaves ng Los Angeles Lakers, Mikal Bridges at Cam Johnson ng Brooklyn Nets, Bobby Portis ng Milwaukee Bucks, Jalen Brunson at Josh Hart ng New York Knicks, Tyrese Haliburton ng Indiana Pa­cers at Walker Kessler ng Utah Jazz na teammate ni Gilas Pilipinas ace Jordan Clarkson.

Pinangunahan ni head coach Steve Kerr ang USA delegation na dumating sa Ninoy Aquino International Airport kahapon kasama ang solidong coaching staff nina Tyronn Lue ng LA Clippers, Fil-Am Erik Spo­elstra ng Miami Heat at dating PBA import Chip Engelland.

Nagmistulang homecoming para kay Spoelstra, isang proud Filipino-American mentor, at Engelland na dating naturalized player ng RP team ang hosting ng Pinas para sa prestihiyosong world basketball championships.

Nagkakaroon si Spoelstra ng basketball clinics para sa mga batang Pinoy basketball players.

Mismong sina FIBA World Cup deputy event di­rector Erika Dy at Ryan Gregorio ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang sumalubong sa Team USA na maglalaro sa Mall of Asia Arena kasama ang Greece, New Zealand at Jordan sa Group C.

Ang USA ay kasalukuyang World No. 2 ranked team sa FIBA.

Tinapos ng mga Americans ang kanilang pre­parasyon para sa World Cup sa pamamagitan ng 99-912 pagresbak sa Germany sa isang exhibition game tampok ang 34 points ni Edwards.

Bukod sa USA, nasa bansa na rin ang mga national teams ng Montenegro, Angola, Mexico, Egypt, Dominican Republic at Greece.

Nakatakda namang dumating kahapon ang mga tropa ng Puerto Rico, Italy, Serbia at New Zealand.

vuukle comment

FIBA WORLD CUP

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with