^

PSN Palaro

SEAG crown mas mahalaga kay Brownlee

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hitik man sa tropeo ang kanyang karera sa basketball, ang gintong medalya sa Southeast Asian Games na marahil ang pinakamatamis para kay kabayan Justin Brownlee.

“Man, I gotta put this at the top,” ngiti ni Brownlee matapos trangkuhan ang pagbabalik ng Pilipinas sa trono ng regional biennial meet matapos ang 80-69 panalo kontra sa host at pinalakas na Cambodia.

Bagama’t  ispesyal din ang paglalaro sa crowd darling ng bansa na Barangay Ginebra sa PBA bilang resident import simula pa noong 2016, walang kaparis aniya ang paglalaro para sa itinuturing na niyang tahanan ngayon bilang naturalized player ng bansa.

Kumamada si Brownlee ng 23 puntos, 7 rebounds at 4 assists sa panalo ng Gilas kontra sa Cambodia halos isang araw lang matapos magliyab sa 34 puntos sa 84-76 panalo kontra sa da­ting kampeon na Indonesia sa semifinals.

Dahil sa kabayanihan ni Brownlee, naiganti ng Gilas ang 79-68 pagkatalo sa Cambodia sa elims pati na ang 85-81 kabiguan ng Gilas noong nakaraang edisyon sa Vietnam kontra sa Indonesia upang isuko ang korona.

vuukle comment

BROWNLEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with