^

PSN Palaro

Valdez papasok sa PBB house

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Valdez papasok sa PBB house
woIpinapakita ni Alyssa Valdez ang sulat na padala ni Big Brother.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sumabog ang social media nang isiwalat ni Creamline Cool Smashers ace player Alyssa Valdez ang kagustuhan nitong pumasok sa Pinoy Big Brother house.

Nagulantang ang lahat nang ihayag ni Valdez ang magandang balita sa kanyang Twitter account.

Nakatanggap ito ng isang sulat mula kay Big Brother.

“Nakatangap ako ng sulat mula kay Big Brother. Ano kaya ang papagawa ni kuya sakin?” ani Valdez.

Binigyan si Valdez ng isang task na kukumpletuhin nito upang pormal na maging official housemate sa PBB.

“Bilang bahagi ng iyong audition process, susubukan ko ang iyong galing sa pamamagitan ng isang task,” ayon sa sulat ni Big Brother.

Dahil dito, sumabog ang social media sa kaliwa’t kanang mensahe para kay Valdez.

Marami ang excited nang mapanood ang Cool Smashers team captain sa PBB.

Wala masyadong pinagkakaabalahan si Valdez dahil hindi ito kasama sa national team na sumabak sa AVC Asian Club Volleyball Championship sa Thailand.

Sa Pebrero pa nakatakdang simulan ang second conference ng Premier Volleyball League (PVL).

Ngunit nagbiro ang ilang netizens na sa oras na tumama ang schedule ng PBB sa PVL, handa ang volleyball community na i-evict si Valdez upang makapaglaro ito para sa Creamline.

Kanya-kanya ring suporta ang ilang kapwa volleyball players ni Valdez para sa bagong hamon sa kanyang buhay.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may isang volleyball player na pumasok sa PBB.

Una nang sumalang si Miss Universe-Philippines second runner-up Michele Gumabao noong 2014 sa Pinoy Big Brother: All In Edition.  

vuukle comment

VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with