^

PSN Palaro

Pinoy karatekas wagi ng 4 ginto sa World Series

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pana­nalasa ng Pinoy karatekas matapos humakot ng apat na ginto at isang pilak na medalya sa E-Karate World Series #1.

Sa pagkakataong ito, bumandera sa kampanya ng Pinoy squad ang bagitong karateka na si Fatima Hamsain na bumanat ng tatlong gintong medalya sa magkakaibang events.

Namayagpag si Hamsain sa Shotokan e-Kata individual female U16 class makaraang payukuin nito si Zoby Antoun ng Germany sa gold-medal match sa bisa ng 23.9-22.8 desisyon.

Nagpatuloy ang pag-ariba ni Hamsain na naka-ginto pa sa Shotokan e-Kata individual female U18 kung saan tinalo nito ang kababayang si Christina Karen Colonia (24.4-23.5).

Hindi pa nakuntento si Hamsain nang kubrahin nito ang ikatlong ginto sa U15 e-Kumite female.

Pinataob ni Hamsain sa finals ang karibal mula Greece (23.3-21.9).

Muli namang umariba si World No. 1 Orencio James De Los Santos matapos masungkit ang isa pang ginto sa kanyang dibisyon.

Tinalo ng 30-anyos Cebuano si Domont Matias Moreno ng Switzerland, 25.6-24.4 desisyon para masikwat ang ginto.

vuukle comment

KARATEKAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with