^

PSN Palaro

Daquis nakabawi sa quarantine

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Daquis nakabawi sa quarantine
Rachel Anne Daquis

MANILA, Philippines — Nabigyan ng tsansang makarekober ang katawan ng mga atleta sa mahabang pahingang dulot ng community quarantine na ipinatutupad ng gobyerno.

At isa si volleyball star Rachel Anne Daquis sa mga nakinabang dahil nagkaroon ng tsansa na maipahinga ang kanyang katawan at mabigyan ng tamang recovery period.

“Parang na-rehab ‘yung injuries namin, naipahinga ‘yung katawan namin. So ito ‘yung nabigyan kami ng time na magpagaling (sa mga injuries) at magpalakas,” ani Daquis.

May mga pagkakataon na hindi nasisilayan sa aksyon si Daquis sa mga nakalipas na laro ng Cignal HD Spikers sa Philippine Superliga dahil sa kanyang mga iniindang injury.

Kaya naman sinasamantala ni Daquis ang mahabang pahinga para magpalakas at makabawi ang kanyang katawan sa oras na magbalik-aksyon na ang PSL.

Sa ngayon, patuloy ang pagtulong ni Daquis sa mga naapektuhan ng krisis na dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Namamahagi ito ng relief goods habang sumasali rin ito sa mga fundraising para makalikom ng pondo para sa mga frontliners at mga apektadong volleyball personnels.

Masaya si Daquis na nakatutulong ito sa kanyang mga kababayan sa malaki man o maliit na paraan.

Kamakailan, pina­ngu­nahan ni Daquis ang workout session sa Rizal High School sa Pasig City.

vuukle comment

RACHEL ANNE DAQUIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with