^

PSN Palaro

Pacio pinasuko ang kapwa Pinoy, ONE strawweight kampeon pa din

James Relativo - Philstar.com
Pacio pinasuko ang kapwa Pinoy, ONE strawweight kampeon pa din
Natapos ang laro matapos ihinto ang laban via submission sa pamamagitan ng arm triangle choke ni Pacio.
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr.

MANILA, Philippines — Matagumpay na nadepensahan ni reigning ONE strawweight world champion Joshua Pacio ang kanyang ginto matapos i-tap-out ang kanyang kababayan, Biyernes.

Sa maagang yugto ng unang round, napabagsak ni Pacio si Rene Catalan na nauwi sa matinding palitan ng submission holds.

Nagkasubukan nang husto ang dalawa nang sabay nilang ilapat ang kani-kanilang pagyapos sa isa't isa, kung saan pareho silang tumangging sumuko.

Habang nasa canvass, pinuruhan ng suntok ni Pacio ang katunggali.

Natapos ang unang round matapos mabalibag ni Catalan ang kampeon sa pamamagitan ng fireman's carry.

Sa ikalawang round, nadali ni Joshua ang kalaban nang tuhurin sa mukha si Rene habang nakalingkis sa ulo.

Natapos ang laro matapos ihinto ang laban via submission sa pamamagitan ng arm triangle choke ni Pacio.

Tumagal lamang ng dalawang minuto at 29 segundo ng ikalawang round ang challenger.

vuukle comment

JOSHUA PACIO

ONE CHAMPIONSHIP

ONE STRAWEIGHT WORLD CHAMPIONSHIP

RENE CATALAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with