^

PSN Palaro

Jet Spikers ‘di nakalipad sa Cool Smashers sa PVL Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Jet Spikers �di nakalipad sa Cool Smashers sa PVL Open
Nagdiwang ang kopo­nan ng Cream­line matapos igupo ang Air Force.

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ng Creamline ang pagdepensa sa titulo matapos pabagsakin ang Philippine Air Force. 25-23, 25-20, 25-15 sa pag-arangkada ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conf­rence kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Balanseng atake ang pinakawalan ng Cool Sma­shers sa pangunguna ni opposite hitter Michele Gumabao na nagtala ng 14 puntos – lahat galing sa attacks para manduhan ang kanilang tropa sa 1-0 panimula.

“We’re looking forward to be better in our next games. We are here to defend our title,” ani Gumabao na dating Binibining Pilipinas-Globe titleholder.

Mainit din si Reinforced Conference MVP Alyssa Valdez na kumana ng 13 hits mula sa 10 attacks, dalawang aces at isang block kalakip ang 12 digs at pitong excellent receptions.

Nagdagdag si middle hitter Risa Sato ng 11 mar­kers habang may pitong puntos na ambag si wing spiker Jema Galanza para sa Cool Smashers.

Nagbaon ang Creamline ng 48 attacks na nakuha nito mula sa impresibong setting skills ni Jia Morado na naglista ng 23 excellent sets.

Nakapaglista pa ang Cool Smashers ng anim na aces laban sa isa lamang ng Lady Jet Spikers.

Nanguna para sa Lady Jet Spikers si middle hitter Dell Palomata na may 11 attacks at tatlong blocks gayundin si Mary Ann Pantino na nagsumite naman ng 10 hits at 11 receptions.

Hindi nakatulong ang 19 errors na nagawa ng Lady Jet Spikers na isa sa pangunahing dahilan upang mabigo itong makalipad ng husto sa larong tumagal lamang ng isang oras at 13 minuto.   

vuukle comment

CREAMLINE

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with