^

PSN Palaro

Boss Emong, Real Gold bakbakan sa 3rd Leg ng Triple Crown

Ramon Romualdez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malalaman kung sino ang tunay na kampeon sa muling pagkikita ng dalawang champion na Real Gold at Boss Emong sa Malvar, Batangas.

Sina Real Gold, 1st Leg Champion at ang kabayong si Boss Emong, 2nd Leg Triple Crown Champion ay magkakaharap kabilang ang mga kalaban na patuloy na nagbabanta sa titulong 3rd Leg Champion sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTI) sa Malvar.

Magbabanta rin ang My Jopay, 2nd Hopelful Stakes Race champion sa Saddle and Clubs Leisure Park, Naic Cavite noong Hunyo 23, 2019. Mahigpit ang labanan na mangyayari sa ikatlong yugto ng Triple Crown sa pagitan ng nabanggit na mga kabayo.

Maaalala na binigo ng Boss Emong na pag-aari ni Edward Diokno ang 1st Leg Champion na Real Gold sa 1,800 meters na distansya. Kabilang sa mga kalahok ang Jayz, Toy For The Bigboy at Shanghai Noon. Samantala sa Hopeful Stakes Race, masisilayan pa rin ang mga kalahok na Two Timer, The Accountant at JLO.

Samantala, ang My Sheltex ay aakyat ng laban sa Hopeful Stakes Race matapos manalo sa 2019 Philracom 3 Year Old Locally: Bred Stakes Race. Higit na mas mahaba ang distansyang tatakbuhin ng mga kalahok sa 3rd Leg Triple Crown Stakes Race at tatanggap ng P1.8 milyon ang makakakuha ng titulo.

Samantala, tatanggap ang 2nd place ng P675,000 habang mayroong P225,000 ang 3rd place at P150,000 sa 4th place.

BOSS EMONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with