Bacoor Strikers, General Santos wagi
MANILA, Philippines — Tinambakan ng Bacoor Strikers ang Imus Bandera, 79-57 habang nagwagi naman ang General Santos Warriors kontra sa Bulacan Kuyas, 81-77 para pumasok sa win-column sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Bulacan Capitol Gymnasium.
Umalagwa ng 13 sa kanyang kabuuang 17 puntos si Michael Canete sa ikatlong yugto upang makamit ng Bacoor ang unang panalo sa dalawang laro at makisosyo sa pang-lima hanggang sa pang-pitong puwesto kasama ang kanilang biktimang Bandera at Gensan Warriors sa parehong 1-1 win-loss kartada sa Southern Division.
Hindi nagpasindak sina Canete at Mark Montuano sa kasikatan nina TV at Movie actor Gerald Anderson at Jayjay Helterbrand para pangunahan ang 14-4 run ng Strikers at bawiin ang bentahe, 49-36 mahigit 4:25 pa ang natitira sa ikatlong yugto.
Mula rito, hindi na binitiwan pa ng Strikers ang kalamangan.
- Latest