^

PSN Palaro

Pacquiao-Thurman fight pinaplantsa na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao-Thurman fight pinaplantsa na
Kaya naman sesentro muna ang atensiyon ng Team Pacquiao sa Plan B-ang makaharap ang isa sa pinakamahuhusay na bok­singero sa mundo sa pagdepensa ng kanyang WBA regular welterweight title.

MANILA, Philippines — Walang balak maghintay ang kampo ni eight-division world champion Manny Pacquiao kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.

Kaya naman sesentro muna ang atensiyon ng Team Pacquiao sa Plan B-ang makaharap ang isa sa pinakamahuhusay na bok­singero sa mundo sa pagdepensa ng kanyang WBA  regular welterweight title.

At isa si Keith Thurman sa target.

Ayon sa source ng Bong News and Views, gumugulong na ang nego­sasyon sa pagitan ng kampo nina Pacquiao at Thurman na inaasahang ihahayag sa publiko sa oras na maikasa na ang laban.

Parehong galing sa matikas na panalo ang dalawang boksingero.

Matagumpay na na­ipagtanggol ni Pacquiao ang titulo nito laban kay American pug Adrien Broner noong Enero sa pamama­gitan ng unanimous de­cision win sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Armado si Thurman ng impresibong 29-0 rekord tampok ang 22 KO.

vuukle comment

PACQUIAO-THURMAN FIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with