^

PSN Palaro

Romeo bida sa TNT

Pilipino Star Ngayon
Romeo bida sa TNT
Nagpasabog si sco­ring guard Terrence Romeo ng 25 points mula sa 6-of-9 shooting sa three-point range para ilusot ang Tropang Texters laban sa NorthPort Batang Pier, 104-102 sa 2018 PBA Go­vernor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Jun Menddoza

MANILA, Philippines — Kinailangan ng TNT  Ka­tropa na bumangon mula sa 23-point deficit para mailista ang kanilang ikalawang sunod na pa­nalo.

Nagpasabog si sco­ring guard Terrence Romeo ng 25 points mula sa 6-of-9 shooting sa three-point range para ilusot ang Tropang Texters laban sa NorthPort Batang Pier, 104-102 sa 2018 PBA Go­vernor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

“Gusto ko lang talagang manalo,” sabi ni Romeo. “Humuhugot ako ng lakas sa mga teammates ko kasi kahit anong mangyari nandoon sila para sa akin at nandoon din ako para sa kanila.”

Ito ang ikalawang dikit na panalo ng TNT Katropa mula nang dumating si import Marqus Blakely na bumida sa kanilang 110-104 paggupo sa Rain or Shine sa Iloilo City.

Nagposte ng 21-point lead sa halftime, pinalobo pa ng NorthPort ang kanilang kalamangan sa 67-44  mula sa three-poin­ter ni Stanley Pringle sa pagsisimula ng third period.

Humataw naman si Jonathan Grey ng 13 points sa nasabing yugto para sa 87-71 bentahe ng Batang Pier bago umatake ang Tropang Texters sa final canto para maitabla ang laro sa 96-96 buhat sa ikalawang sunod na tres ni Romeo sa 4:47 minuto nito.

Huling nakatabla ang NorthPort sa 102-102 ga­ling sa follow up ni Paolo Taha sa nalalabing 14.5 segundo habang ang left-handed layup naman ni Blakely ang muling nagtaas sa TNT sa 104-102 sa hu­ling 6.8 segundo. (RC)

vuukle comment

TNT KA­TROPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with