^

PSN Palaro

Bradley pupuntiryahin ang balikat ni Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Handang gawin lahat ni Timothy Bradley upang manalo lamang sa bakbakan nila ni Manny Pacquiao sa Abril.

Sinabi ni Bradley na kabilng dito ang pagpuntirya sa na-injure na kanang balikat ni Pacquiao.

Natamo ni Pacquiao ang injury sa kaniyang paghahanda para sa sagupaan nila ni Floyd Mayweather Jr. nitong nakaraang taon.

Ayon sa Filipino boxing icon ay alam na ito ng kampo ni Mayweather kaya naman nang magkaharap na sila sa loob ng ring ay pinuntirya ito ng undefeated America boxer.

Pagkatapos ng kanilang laban ay ipinaopera ni Pacquiao sa Los Angeles ang balikat upang ayusin ang torn rotator cuff.

Sa kasalukuyan ay magaling na umano ang balikat ni Pacquiao, kung saan sinabi niya na 100 percent na ito, ngunit walang katiyakan na hindi ito mangyayaring ulit at alam ito ni Bradley.

 “Would you target that shoulder? What would you do? I will do whatever it takes to win.”

Muling maghaharap sa ikatlong pagkakataon sina Bradley at Pacquiao kung saan ito na ang huling laban ng Pinoy boxer.

Iginiit ni Pacquiao na ano man ang maging resulta ng kaniyang laban ay iiwanan na niya ang boxing upang tutukan ang politika kung saan tumatakbo siyang senador.

 

vuukle comment

ABRIL

ANG

AYON

BRADLEY

FLOYD MAYWEATHER JR.

HANDANG

IGINIIT

LOS ANGELES

PACQUIAO

TIMOTHY BRADLEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with