^

PSN Palaro

2016 Condura Run kasado na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pakakawalan ang  Con­dura Skyway Marathon 2016 Run For a Hero sa Pebrero 7.

Nasa ikalawang sunod na taon, ang pondong malilikom ng pakarera ay mapupunta sa Hero Foundation para sa kapakanan ng mga anak ng sundalong  “killed in action” (KIA) o ng mga sundalong nagtamo ng kapansanan “in the line of duty.”

Sa mga nakaraang patakbo ng Condura ay tumulong ito para sa rehabi­litasyon at proteksyon ng  Tubbataha Reefs, whale sharks, dolphins at mga bakawan (mangroves).

Ang karerang ito ay inor­ganisa ng Runrio Inc. Ang registration ay maaaring gawin online sa conduramarathon.com at maaaring bayaran sa pa­mamagitan ng credit card o ng prepaid cards na mabibili sa piling ASICS stores.

Ang credit card registration ay hanggang Enero  2, 2016.

Maaaring mamili ang mga lalahok kung saan nila gustong ma-pick up ang kanilang  race kits sa mga ASICS store mula Enero 18-23, 2016

Mabibili ang mga  prepaid cards sa mga sumusunod na Asics store branches:  Greenbelt 3 sa Makati City, Bonifacio High Street sa Taguig City, Trinoma Mall sa Quezon City; Centrio Mall sa Cagayan de Oro City; Ayala Fairveiw Terraces sa Quezon City, at Ayala Center sa Cebu City.

Ang entry fee ay P900 para sa 6K race, P1,000 para sa 10K, P1,700 para sa 21K at P2,000 para sa 42K full marathon.

Ang lahat ng runners na makapagtapos ay tatanggap ng  finisher’s medal at ang mga finishers sa 42K at 21K ay makakakuha rin ng special finisher’s  shirt.

Para sa kumpletong detalye, bumisita sa  www.conduramarathon.com.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYALA CENTER

AYALA FAIRVEIW TERRACES

BONIFACIO HIGH STREET

CEBU CITY

CENTRIO MALL

ENERO

MGA

NBSP

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with