^

PSN Palaro

Tres ni Salvador naglusot sa JRU

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tres ni Salvador naglusot sa JRU
Sumampa ang Heavy Bombers sa win column sa Group A, habang bigo si dating Magnolia coach Chito Victolero sa kanyang pagmando sa Cardinals.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isinalpak ni Sean Salvador ang game-winning three-point shot sa huling 2.9 segundo para sa 65-64 pagtakas ng Jose Rizal University laban sa Mapua University sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Sumampa ang Heavy Bombers sa win column sa Group A, habang bigo si dating Magnolia coach Chito Victolero sa kanyang pagmando sa Cardinals.

Kumabig si veteran guard Lawrence Mangubat ng 22 points, pitong rebounds, limang steals at isang assist para banderahan ang Jose Rizal.

Ang nag-iisang assist ni Mangubat ang nagbi­gay-daan sa nagpanalong triple ni Salvador laban sa Mapua na inilista ang 64-59 abante sa huling 1:15 minuto ng fourth quarter.

Bago ang tres ni Salvador para sa 65-64 bentahe ng Heavy Bombers ni coach Nani Epondulan ay nagmintis muna si Marcus Nitura ng dalawang free throws sa panig ng Cardinals sa huling 18.7 segundo.

Nagkaroon pa ng tsansa ang Mapua na maagaw ang panalo kundi lamang tumalbog ang 3-point attempt ni rookie Lance Nitura sa pagtunog ng final buzzer.

Samantala, nagkadena si veteran guard T-Mc O­ngotan ng 23 points, anim na assists at tatlong steals para pamunuan ang Arellano University sa 98-72 demolisyon sa San Sebastian College-Recoletos.

Nagdagdag sina Basti Valencia at Renzo Abiera ng tig-12 markers para sa 1-0 record ng Chiefs sa Group B.

Nadiskaril ang coaching debut ni dating PBA player Rodney Santos, pumalit kay Rob Labagala, para sa 0-1 marka ng Stags.  

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with