^

PSN Palaro

Bolts itinakas nina Mocon, Banchero sa FiberXers

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Bolts itinakas nina Mocon, Banchero sa FiberXers
Nag-akbayan sa 19-8 na ratsada sa huling 5 minuto sina Mocon at Banchero para bigyan ng 94-85 bentahe ang Bolts mula sa 75-77 deficit tungo sa dikdikang tagumpay.
PBA IMAGE

MANILA, Philippines — Sumandal ang Meralco kina Javee Mocon at Chris Banchero upang ungusan ang Converge, 96-89, sa pagpapatuloy ng PBA on Tour kamakalawa ng gabi sa Santiago Sports Arena sa Santiago City, Isabela.

Nag-akbayan sa 19-8 na ratsada sa huling 5 minuto sina Mocon at Banchero para bigyan ng 94-85 bentahe ang Bolts mula sa 75-77 deficit tungo sa dikdikang tagumpay.

Tumabo ng 20 puntos si Mocon sa likod ng game-high na 21 ni CJ Cansino habang may 18 naman si Banchero para sa tropa ni coach Luigi Trillo sa pambihirang friendly game tampok si Santiago City Mayor Atty. Alyssa Sheena Tan-Dy sa ceremonial jumpball.

Ito na ang ikatlong PBA on Tour matapos ang 109-107 panalo ng Blackwater kontra sa NLEX sa San Jose Del Monte, Bulacan at 94-89 tagumpay ng San Miguel kontra sa Phoenix sa Ilagan, Isabela.

Nanguna sa Fi­berXers si Jonnel Policarpio na may 15 puntos habang may tig-10 puntos sina Mikey Williams, Calvin Abueva at Juan Gomez De Liaño para sa Converge na ipinarada ang import na si Cameron Clark subalit kapos pa rin.

All-Pinoy ang Bolts sa duwelo na hindi muna isinalang si Jordon Varnado at si Chris Newsome kontra sa FiberXers na minanduhan ni assistant coach Franco Atienza habang wala muna ang head coach na si Pampanga vice governor Dennis  Pineda.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with