^

PSN Palaro

Gilas dinepensahan ni Cone

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas dinepensahan ni Cone
Gilas Pilipinas head coach Tim Cone
PBA Images

MANILA, Philippines — Kaliwa’t kanan ang pumupuna sa buong Gilas Pilipinas delegation matapos mabigong makapasok sa quarterfinals ng 2026 Asian Games men’s basketball tournament sa Nagoya, Japan.

Lumasap ang Pinoy cagers ng 61-105 kabiguan sa kamay ng China sa hu­ling araw ng group stage para tuluyan mahubaran ng korona.

Kailangan ng Gilas na manalo o matalo ng hindi tataas sa 37 puntos ang kalamangan ng China.

Subalit bigo ang Gilas matapos pulbusin ng China sa buong panahon ng laro.

Ipinagtanggol naman ni Gilas head coach Tim Cone ang kanyang bataan.

Sumabak ang kanyang tropa kontra sa China bitbit ang tangkang makuha ang panalo.

“We were very aware of that, but really our intention was to come out and play our best and try to win rather than just play for the quotient,” ani Cone.

Aminado si Cone na mahirap sumabak sa isang torneo na tulad ng Asian Games nang wala ang mga key players nito.

“We came to this tournament without a lot of size or height and we knew we were going to be smaller and we knew we had to play a certain way to be successful,” ani Cone.

Malaki ang pagkakaiba ng Gilas at China na binubuo ng mas matatangkad na players.

Apat na miyembro ng Chinese squad ay may taas na 6-foot-11 o higit pa.

Ramdam na ramdam ito sa shaded area matapos humatak ang China ang 55 rebounds laban sa 36 ng Gilas.

Malaking tulong sana kung naglaro ang mga players na nasillayan sa aksyon sa FIBA World Cup Asian Qualifiers gaya nina Kai Sotto, AJ Edu, Carl Tamayo, Dwight Ramos at Kevin Quiambao.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with