^

PSN Palaro

PSL Grand Prix Meralco, RC Cola iiwas masibak

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Malolos Sports and Convention Center, Malolos, Bulacan)

1 p.m.  Meralco

vs Philips Gold

3 p.m.  Cignal vs RC Cola-Air Force

 

MANILA, Philippines – Sisikapin ng Meralco Power Spikers at RC Cola-Air Force Raiders na manatiling buhay ang paghahabol ng upuan sa semifinals sa pagpanalo sa kanilang mga laro sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix volleyball tournament na gagawin ngayon sa Malolos Sports and  Convention Center sa Malolos, Bulacan.

Kalaban ng Power Spikers ang Philips Gold Lady Slammers sa ganap na  ala-1 ng hapon habang ang Raiders ay masusukat sa Cignal HD Lady Spikers dakong alas-3 ng hapon para patingkarin ang unang Spike On Tour sa confe­rence sa ligang inorganisa ng SportsCore at handog ng Asics at Milo bukod sa suporta ng Mikasa, Mueller at Senoh na ipinalalabas sa TV5.

Lumasap ang Meralco ng kanilang ikaanim na sunod na pagkatalo nang hiyain uli ng nagdedepensang kampeon Petron Lady Blaze Spikers, 25-27, 20-25, 21-25.

Ito ang ikaanim na panalo sa walong laro ng Petron  para kunin din ang unang upuan sa semifinals.

Dahil sa 0-6 karta, kai­langang maipanalo ng Power Spikers ang huling apat na laro at manalangin na hindi na magwawagi pa ang Lady Slammers (4-2) at Foton Tornadoes (4-3) upang magkaroon pa ng katiting na tsansang umabot

Kailangang ilabas na ng mga manlalaro ni coach Ramil de Jesus ang lahat ng makakaya dahil tiyak na itotodo ng Lady Slammers ang lakas para makabawi matapos makitang naputol na ang apat na sunod na panalo nang pinadapa ng Tornadoes,14-25, 22-25, 25-18, 18-25 noong Huwebes.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BULACAN

CIGNAL

COLA-AIR FORCE

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CONVENTION CENTER

FOTON TORNADOES

GRAND PRIX

LADY SLAMMERS

POWER SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with